"Wha–. Hang on a minute. You couldn't possibly dismiss me like this, Yvan." tumayo siya sa kinuupuan at itinukod ang mga palad sa desk habang nakadungaw sa nakaupong employer.
"Elle, I do care for you. Kahit ilang beses mong itanggi sa'min na ayaw mong bumalik sa isla, I knew deep inside you that you wanted to. I know what it feels like. Your heart belongs in Belleza."
"Ano'ng pinagsasabi mo? You don't know the reason why I can't go back, Yvan." naiiyak na siya habang nakatingin dito pero pinilit niyang ikalma ang sarili at huwag ipahalata dito na gusto na niyang gumulong sa sahig sa mga oras na iyon. Tumayo si Yvan mula sa kinuupan nito at umikot sa desk para lapitan siya. Hinawakan nito ang kanyang mga balikat at tinitigan sa mukha.
"Of course, I know. You'll be alright, Elle." he said in a cheering tone.
Magsasalita pa sana siya nang may kumatok sa pinto. Pareho silang napatingin sa pinto.
"Sir, andito na po siya." si Valerie, ang secretary ni Yvan ang bumungad sa pinto. Naka-maroon na pencil cut dress ito na humulma sa makurba nitong katawan. Hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang ginawang paghagud ni Stephen sa katawan ni Valerie.
Stephen and his ogling eyes!
Siguradong sasakit ang ulo niya kung itong klase ng lalake ang magiging boyfriend niya! Thank goodness, he was not.
"Good! Let her in, please. Thanks, Valerie." ani Yvan.
Kalmadong naglakad papasok ang isang matangkad na babae na may maamo at magandang mukha. She tied her hair neatly into a bun. Tama lang ang make-up at hindi agaw-atensiyon ang gamit na lip tint. She looked sophisticated enough in her simple corporate suit. Nang ngumiti ito ay lalong tumingkad ang ganda nito. Parang nagliwanag ang buong opisina sa ngiti ng babaeng nakatayo malapit sa pinto. Sa gilid niya ay napansin niyang natigilan si Yvan.
"Good morning!" maikling bati ng babae sa kanilang tatlo at bahagyang yumuko. Her voice was firm and full of confidence. "Mr. Pelletier, I'm Samantha Piech and I'm here for the interview." baling nito kay Yvan.
Ilang segundo bago matauhan si Yvan. "Of course." he urged her closer and led her to sit on my recently vacated seat.
"Yvan...please." pagkuha ni Elle sa atensiyon nito.
"You left your heart in Belleza. Go and find it. It's just three months." he said and lightly touched her chin. He sauntered away from her and returned to sit on his swivel chair.
"Let's go, Elle." aya ni Stephen.
Wala na siyang nagawa kundi tuluyan na lang na lumabas. Hindi siya makapaniwalang ganoon kabilis pumayag ni Yvan sa pabor na hiningi ni Stephen.
Ganoon na lang ba kadali dito ang bitawan siya? Gaano ba kalalim ang pagkakaibigan nila ng mokong na 'to?
"Nakakainis ka. I reallt hate you, Stephen Alfonse." gigil niyang bulong rito habang papalabas sila mula sa opisina ni Yvan.
"No, you don't. You just hate the fact that you have to fight your own desire to go back." saad nito. Nagpatiuna ito sa paglalakad sa hallway habang sisipol-sipol at nakamulsa.
Nang mapansin nito na hindi siya sumunod ay lumingon ito. She gave him a death stare.
"Oh come on! It's not that bad." He exclaimed.
******
"YOU can have your own room sa staff house. Some of my employees stay there. Pero iyong iba na nakatira lang malapit dito sa San Juan ay mas pinili na umuwi na lang sa kani-kanilang tahanan after their shift. Pwede ka ring tumira sa bahay namin if you want. Mama would be glad to meet you and have you as our guest. So, where do you wanna stay?" tanong ni Stephen habang nagda-drive ng sasakyan nito papuntang sa El Cielo.
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...