Chapter 15

26 6 0
                                    

SAKA pa lang nahinuha ni Elle na si Vaughn pala ang pinag-uusapan at hinihintay nila kanina. Tiningnang muli ni Elle si Jai ng matalim. This time ay nakatingin na ito sa kanya at inosenteng nakangiti. Sinipa niya ito ng malakas at napangisi siya nang bahagya itong mapahiyaw. Inabot nito ang napuruhang binti para himasin. Napakagat ito ng labi habang iniinda ang sakit at pinipigilang huwag mapangisi uli.

Namayani ang katahimikan sa dining room sa mga sandaling iyon habang nanatiling nakatayo sina Tita Lessy, Vaughn at ang babae. Lessy looked at Vaughn expectantly and waited for him to introduce the woman to everyone. But seconds ticked by and he just kept on staring daggers at Edelweiss. Kaya ang babae na lamang ang nagpakilala sa sarili nito.

"Good evening, Mrs. Carrillo, I'm Athena."

Kampanteng nakipagkamay ang babae sa mga magulang ni Vaughn.

"Ma, I appreciate the effort pero ang dami naman yata nito." Ani Vaughn na pumunta sa gilid ni Jai para hilahin ang silyang katabi nito.

"Tsk! Ano ka ba...Minsan lang kitang naipaghanda ng ganito kaya pagbigyan mo na ako. Sige na umupo na kayo."

The woman named Athena shook hands with Jai too before giving Elle a friendly smile. Pero bahagyang lumamlam ang ngiti nito nang mapagtantong hindi pala sila magkatabi ni Vaughn. Inakala rin ni Elle na si Vaughn ang uupo sa tabi ni Jai pero ang babae pala. Mukhang hindi lang siya ang dismayado sa seating arrangement na 'to dahil maging ang babae ay tuluyang nawala ang ngiti sa mga labi. Pagkatapos mapaupo ang babae ay umikot si Vaughn at hinila ang silyang katabi ng inuupuan niya at umupo doon.

Umakto si Elle na walang katabi. Ni hindi niya ito kinibo o kahit tiningnan man lang. Inisip na lamang niya na bakante pa rin ang katabing silya kahit na ang totoo ay nagtatahip na ang dibdib niya sa lapit ni Vaughn. She could smell his intoxicating scent again. Dahilan upang lalong hindi mapakali ang kalooban niya. Tahimik na lamang niyang ipinagpatuloy ang pagkain kahit na paminsan-minsan ay nagtatama ang mga siko nila ni Vaughn.

Hindi pa man sila nangangalahati ay narinig nilang nagbukas-sara ang main door. Lahat sila ay napalingon sa bukana ng dining room at bumungad doon ang nakangiting mukha ni Stephen at ng kasama nitong may kakaibang angking ganda. Simple pero malakas ang dating.

"Oh? Akala ko ba may importante kang lakad?" Wika ni Jai habang mabibigat ang tinging ipinupukol sa babaeng katabi ni Stephen.

"Steph! Nyla! Halina kayo." Ani Lessy tumayong muli para salubungin ang babaeng kasama ni Stephen.

Napatingin si Elle kay Jai at napagtanto niyang ito ang babaeng iniiwasan nito. Elle wondered why when the woman seemed nice and friendly. Hindi lang iyon, maganda rin ito.

Habang abala ang ina ni Vaughn sa pag-entertain sa bagong dating ay biglang nagsalita si Vaughn sa tabi ni Elle.

"So...Akala ko ba ay hindi ka interesadong pumunta sa kahit na anong party ngayon?" Tanong ni Vaughn.

"Hindi nga. Wala naman talaga akong planong umalis ng bahay." Tugon niya habang nanatiling nakatungo at patuloy na sumusubo ng pagkain para hindi mahalata ng ibang naroon na nag-uusap sila ni Vaughn.

"And yet here you are."

"Kung alam ko lang na ang pagdadalhan sa'kin ni Jai na birthday dinner ay sa'yo pala, di sana'y hindi na ako sumama." Mainit niyang tugon.

"Paanong nagbago ang isip mo ng ganun lang kadali? Depende ba sa nag-imbita sa'yo?"

"And what exactly do you mean by that?" Biglang nagtagpo ang mga kilay niya sa tanong nito. Hindi napigilan ang sariling huwag ito lingunin sa inis.

"My cousin is a resort owner while I'm just his chef."

"Logic mo yan?" Sarkastiko at taas-kilay niyang tanong dito sa mahinang tono para huwag makaagaw ng atensiyon.

Drawn to You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon