Chapter 7

36 6 0
                                    

"Vaughn!"

"I'm here." Sagot ni Vaughn.

"You haven't told me about this place and you forgot to let me know where you were going."

Napataas ang kilay ni Elle sa narinig mula sa taas. Parang nanay lang? Gusto niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili.

"How did you know I was here?" Tanong ni Vaughn.

"Jai told me." Hindi sumagot si Vaughn kaya nagpatauloy ang isa. "You should have told me that you wanna go swimming this morning." May himig na pagtatampo sa boses nito nang makalapit.

Lihim na napausal ng pasasalamat si Elle dahil medyo tago ang kinaroroonan nila at di sila basta-basts matutunton lalong-lalo na kung hindi pamilyar sa lugar na ito ang tao.

"I didn't plan this." Sagot ni Vaughn habang mataman na nakatitig sa kanya.

"Well...could you wait for me? I'll just go back to my room and change into my swimsuit." Excited na turan ng isa.

So hindi pala sa villa natulog ang babae. Hindi niya maintindihan pero may maliit na parte sa puso niya na tila natutuwa sa kaalamang iyon.

"No." agap ni Vaughn.

Nanlalaki ang mga mata niya sa naging tugon ni Vaughn. Mariin siyang umiling at pinanlakihan ito ng mata. Ano'ng balak nito, magsu-swimming silang tatlo dito? Isasatinig na sana niya ang pagtutol nang magsalita si Vaughn.

"You don't have to." Anito

Nakita niya ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Aba't namimihasa yata ang isang 'to sa'kin. Palatak ni Elle sa sarili. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi natulog ang balak nito dahil nangsalitang muli si Larissa.

"But...why?" Ani Larissa sa nalilitong tono.

He didn't respond right away. What he did made her gasp and it was over before she could even stop him or evade his kiss. Ninakawan na naman siya nito ng halik! She managed to slap him this time. Di siya umilag at di rin naman siya nagalit. Talagang nagpasampal lang siya. Para tuloy hindi siya satisfied sa ginawa niyang pagsampal dito.

Habol ang hininga nito habang nakatitig sa kanya. He looked too serious to be trifled with. Kung wala lang sana si Larissa sa taas ay kanina pa sana niya ito sinigawan. Pero talagang di siya nakontento sa ginawa kanina kaya sinipa niya ang hita nito. Hindi masyadong malakas dahil sa tubig pero at least nasipa niya ito. She just hoped that she managed to inflict pain with her kick.

Pero lalo lang uminit ang ulo niya sa naginf reaction nito. His eyes crinkled and he looked amused.

Gago to, ah! Mura niya sa sarili.

"Well, do you want me to swim naked instead?" tawag uli ni Larissa sa taas sa pilyang tono at muntik na siyang matawa.

"No. Just wait for me at the restaurant. I'll be right up."

"A-are you sure?" Tanong ni Larissa sa nanghihinayang na tono. Halata sa boses nito na nasaktan ito sa pagtanggi ni Vaughn.

"Yeah." Sagot ni Vaughn.

"Oh, alright." Ani Larissa sa malungkot na boses.

Nang matantiya niyang wala na si Larissa ay ubod ng lakas niyang sinuntok sa dibdib si Vaughn. "Walanghiya ka! Bakit mo ginawa iyon?"

"Ang alin?"

"You kissed me twice!"

"You tasted sweet. I couldn't resist the urge to taste your lips again." Walang kagatol-gatol na sagot nito.

"You! You—" palatak niya. Marami siyang gustong itawag dito. Sa dami ay di niya malaman kung alin ang mas karapat-dapat gamitin.

Tinangka niyang bawiin ang kanyang braso ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito. Di siya nagpatinag at nagpumiglas makawala lang sa pagkakahawak nito. Sa ginawa niyang pagpupumiglas ay nagkadikit ang kanilang mga katawan. Natigilan siya. Something hard poked her stomach.

Drawn to You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon