Chapter 16

30 6 0
                                    

VAUGHN'S parents stood by the porch and waved them goodbye as the cars pulled out of the driveway one by one. Pinakahuling umalis sina Vaughn at Elle.

Tahimik ang naging byahe nila pabalik sa Legarda. Elle was thankful because she wasn't in the mood to talk lalong-lalo na sa taong katabi niya. Ngunit bumasag sa katahimikan ang pagtunog ng cellphone ni Vaughn nang tumawag ang kapatid nitong si Vivienne. Pagkatapos ng tawag ay bigla na lamang bumigat ang ere sa loob ng sasakyan bago sila lumiko sa daan papasok sa resthouse. Mukhang hindi maganda ang balita ng kapatid nito.

Paghinto ng sasakyan ay agad siyang bumaba. She wanted to say thank you pero labag ito sa kanyang kalooban kaya hindi na lamang siya nagsalita. Isa pa, ayaw makisama ng dila niya. Hindi rin niya ito binati sa kaarawan nito. But would her greetings really matter? He hated her anyway. She didn't think her greetings would count and mean anything to him.

"So...are you not going to greet me or anything?" Tawag ni Vaughn sa kanya pagkatapos nitong patayin ang makina na para bang nabasa nito kung ano ang nasa isipan niya.

"No." Sagot niya na hindi nililingon ang isa.

"Ganyan ka kagalit sa'kin?" Anito na nanatiling nakatayo habang nakatingin sa kanya.

"Honestly, hindi naman ako galit sa'yo. Sadya lang talagang wala akong pakialam sa'yo. Salamat sa paghatid. Pwede ka nang umalis."

Pero sa halip na umalis ay namulsa ito at humakbang palapit sa kanya.

"You know what, I just confirmed a few things tonight."

"Uh, I'm gonna stop you right there cause I'm not interested to hear whatever it is. Now go and leave so we could have a good night before we could both ruin it." Saad niya bago ito tinalikuran.

His presence made her uneasy. Hindi siya mapakali sa tuwing napapadapo ang tingin ni Vaughn sa kanya. Ramdam niya ang mapang-akusang mga tingin nito kaya feeling niya tuloy ay may nagawa siyang mali o kasalanan.

"You already ruined it when you refused to come with me. Won't you tell me how my cousin managed to convince you to come with him?"

"Why don't you give me one good reason why I should have gone with you instead of Jai?"

"I asked you first."

Umirap siya. He hated her and yet he would act and say things like these.

"Not good enough." Aniya.


"You're the biggest liar in the island." Turan nito.

"Why so grumpy about it when you managed to get a date?" Taas-kilay niyang tanong habang nakapameywang.

"Athena is my friend."

"I see. Mabuti nalang at siya ang dinala mo. Mahirap na kung hindi mo gusto at kasundo ang taong isasama mo."

"Friends, enemies...what does it matter when one prefers the owner over its employee?"

"Ay bahala ka diyan, Carrillo! Wala akong panahon diyan sa mga ganyan mo." Dumiretso siya sa main door at binuksan iyon. Balak niyang pagsarhan agad ito ng pinto ngunit natigilan siya sa sinabi nito.

"Leave this island."

Aba't antipatiko naman pala talaga ang isang 'to eh! Paaalisin?!

Sa inis ay hinarap niya itong muli at mabilis na naglakad palapit dito. "Ano bang problema mo sa'kin ha?"

"I'll handle the expenses for you. I have a place where you can stay for as long as you want. I'll provide your needs. Basta umalis ka lang sa isla na 'to."

Drawn to You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon