LUMIPAS ang mga araw at kulang na lang ay hilahin niya ang oras para mabilis matapos ang shift nila.
Maaga siyang pumasok ngayong araw dahil gusto niyang nakahanda na ang lahat para sa menu ngayong araw. Pagpasok niya sa backdoor ay may maaga pa pala sa kanya dahil nakabukas na ang lahat ng ilaw sa loob kaya nadismaya siya. Babatiin na sana niya ang kasamahan na nauna sa kanya ngunit lalo siyang nadismaya nang mapag-alamang si Vaughn pala ito. He was already standing in the middle of the kitchen in his chef attire. She would have appreciated the site because in all honesty, he looked so damn gorgeous in white, but she remembered the way he had treated her lately so she chose to ignore her amazement. Nang mabaling ang kanyang tingin sa mukha nito ay agad na sumalubong sa kanya ang matalim nitong tingin.
What now? May kasalanan na naman ba siya?
Sa halip na pansinin at batiin ay nilampasan niya ito at nagtungo siya sa loob ng opisina para ilagay ang kanyang mga gamit. Ramdam niya na sinusundan siya nito ng tingin pero pinili niyang huwag na lang yun pinansin. Balak sana niya na manatili muna sa loob at saka na lang lumabas kapag nagsidatingan na ang mga kasamahan nila pero naisip niyang wala siyang muumpisahan na trabaho kung tutunganga lang siya dito sa loob ng opisina. Kaya kahit mabigat man sa kalooban na lumabas ay ginawa niya na lang. Kinuha niya ang mga kagamitan at iba pang kakailanganin niya umwesto sa pinakadulo ng kusina kung saan imposibleng mag-krus ang landas nila ni Vaughn.
Iniwasan at hindi niya ito kinibo hanggang sa magsidatingan na ang mga kasamahan nila. Hindi man siya nilapitan at kinompronta ni Vaughn ay ramdam naman niya ang mabibigat na tingin na ipinupukol nito sa kanya.
It was half past eight when the kitchen started to get busy. Nakahinga siya ng maluwag. So far ay wala pa naman siyang paninita na naririnig mula kay EC Vaughn. Siguro dahil nagsisimula ng maging abala ang kusina. He had not attempted talking to her when they were alone in the kitchen so she got a bit confused when she noticed his large steps covering the distance between them. May dala-dala itong bowl at isang platong naglalaman ng spaghettini.
"Fix this or else I'll tell that friend of yours that you're not doing your best for his restaurant!" utos ni Vaughn with his usual authoritative voice.
Tiningnan niya lang ito bago kinuha ang nilagyan ng spaghettini at dinala sa bakanteng station. Putragis talaga! Akala niya peace offering ang chocolate na natanggap niya. Hindi pala. Ni hindi kakikitaan ang itrusa nito ngayon na ito nga mismo ang nagbigay nung mga tsokolate. Nagdududa na tuloy siya sa identity nung tunay na nagbigay sa kanya ng regalo. Baka nagkataon lang na Portuguese brand ang binili ng nagregalos sa kanya. She thought it was Vaughn. Plano pa naman sana niyang pasalamatan ang nagbigay sa kanya ng mga sweets na yon.
"Ayos ka lang ba, Elle?" Untag ni Lanie.
I smiled and nodded. She was starting to getting used to it. Mula ng gampanan ni Vaughn ang pagiging EC at maghari sa kusina ay iniiwasan na lamang niya ito. Pero minsan ay sadyang hindi maiiwasan na hindi magtagpo ang landas nila lalo na't nasa iisang establisiyemento lamang sila. Bukod sa medyo crowded ang kusina ay kailangan niya pang makipag-coordinate dito dahil sous chef siya.
She learned how to get by. Minsan sinasagot niya ito. Minsan naman ay hindi para hindi na lumaki pa ang usapan. It was already hot in the kitchen. Ayaw niyang mauwi sa mainit na palitan nila ang simpleng bagay.
Kapag nagagalit ito sa napakababaw na rason ay hindi na lamang niya ito sinasagot at tahimik na lang na sinusunod ang gusto nito.Tulad ngayon. Nag-init na naman ang ulo nito dahil sa niluto niyang spaghettini. Hindi na siya nakipagpalitan pa. Alam naman niyang walang deperensiya ang niluto niyang pagkain kaya. Maayos naman ang timpla pero gusto nito na gawan niya ng paraan para raw sumarap ang lasa. Heto't ginagawan niya ng paraan, kono. But she didn't do anything. Hindi niya ginalaw ang timpla ng spaghettini. Nilipat lamang niya ito ng lagayan para akalain ni Vaugjn na sinunod niya ito. To Elle, there was no reason to ruin a perfectly seasoned spaghettini. It tasted perfect and there was no need to alter anything.
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...