She thought going home was the most selfish move and decision she ever did. Sa halip na tulungan at supurtahan ang mga magulang sa bago nitong negosyo doon ay mas pinili niya pang umiskapo pauwing Pinas. Sa halip na maging masaya kasama ang mga magulang sa araw ng pagbubukas nila ng bagong establisyemento ay mas pinili niyang mag-impake at magmadaling pumunta sa airport. Sinamantala niya ang pagiging busy nila noon at sinadyang itinaon ang pag-uwi sa araw ding iyon.
Pero ano'ng magagawa niya? She never wanted to be in Syracuse. Deep inside, she was hoping they would change their minds four years ago, that they would pack their own bags at umuwi dito sa Pilipinas.
Pero nagkamali siya. Hindi sila sumunod. Sa halip ay ang matinding galit ng ama ang bumungad sa kanya sa telepono nang matuklasan nitong nasa Pinas na siya.
"Mama naman, six months pa bago ang graduation ni Kenneth. I promise to think about it."
"Oh siya, sige. Basta huwag mong kakalimutan."
"Opo. Matulog na po kayo at mag-aalas dos na po ng madaling araw."
"Mag-ingat ka diyan, Elle. As much as possible...don't nose around other people's business."
"Ma, ako pa ba? Wala po akong panahon para sa mga ganyang bagay at bakit ko naman po gagawin iyan?"
Matinding katahimikan ang bumalot sa sandaling iyon bago magsalita uli ang kanyang ina.
"I was just saying. You take care, okay?"
"I will. Kayo din po ni Papa and please say Hi to my cousins for me."
"I'll do that." pangako nito.
Ilalapag na sana niya ang cellphone para kumuha ng isa pang slice ng cassata nang tumunog uli ito. It was a text message from Stephen.
Nagpapasundo ang mokong sa airport! Nagkamali yata ito ng pinadalhan ng mensahe. Alam naman nitong wala siyang sasakyan. Nagpasya siyang huwag na lang pansinin ang mensahe nito at hindi na rin nag-abalang mag-reply.
Kakalagay niya pa lang ng pangatlong slice ng dessert nang tumunog na naman ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang screen para alamin kung sino ang caller at nakitang si Stephen iyon. Napailing na lang siya bago sinagot ang tawag nito.
"Lasing ka ba?" bungad niya rito kaya naputol ang paghe-Hello sana nito.
"Babe, I'm not. I'm sober and I'm serious. Pakisundo naman dito sa airport." Anito sa kabilang linya.
Nagpanting ang mga tenga niya sa unang sinabi nito. Pansin niya na halos pabulong nitong sinabi ang pakiusap nito kaya napataas ang kilay niya.
"Nababaliw ka na ba, Stephen? Ano na namang pakulo ito? Saka hindi kita masusundo. Nakalimutan mo na ba na matagal na akong walang sasakyan?" aba't hindi pala nagbibiro ang mokong at tagalang nagpapasundo!
"Alam ko."
"Eh, alam mo naman pala. Bakit sa'kin ka pa nagpapasundo? Daig mo pa maka-boyfriend, ah! Ano ka, seaman na susunduin ng girlfriend o asawa? Diba pwedeng mag-taxi ka na lang? Naku, Stephen ha! Huwag mo akong inaano!" Isang malutong na tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya.
Loko to, ah! Inilayo niya ang cellphone sa tenga at tiningnan ng masama bago idinikit muli sa tenga.
"Easy, Elle. Kay Kale sana ako magpapasundo kaya lang may meeting siya ngayon kaya wala akong choice kundi sa'yo na lang magpasundo. Saka bakit naman ako magta-taxi kung pwede mo naman akong sunduin?" mahinahon nitong sabi. Ano na naman kaya ang drama ng isang 'to.
At anong meeting eh Sabado? Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan ng kanyang pinsan at pati Sabado ay hindi pinatawad.
"Ayoko! Wala akong sasakyan."
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...