"SO YOU'RE back." Napahinto sa paglalakad si Elle nang may biglang nagsalita sa gawing puno ng niyog na nasa gilid ng daan papuntang staff house.
Medyo malayo-layo ang lamp post sa kinatatayuan niya kaya hindi niya agad napansin na may tao roon. She recognized the voice though.
It was Vaughn's.
Naaninag niyang nakahilig ito sa puno ng niyog habang nakahalukipkip. Hindi siya nakaimik dahil sa pagkabigla at pagkataranta lalo na nung umalis ito sa pagkakasandal mula sa puno at dahan-dahang lumapit sa kanya.
Sa bawat hakbang nito papalapit sa kanya ay dumodoble rin ang kabog ng kanyang dibdib. Parang tumigil ang mundo niya sa mga sandaling iyon. She felt excitement and anxiety at the same time.
"Hindi ko akalain na ang isang babaeng katulad mo ay nanaising magtrabaho sa probinsiya, lalong-lalo na sa islang ito."
"Hndi mo kilala ang isang babaeng katulad ko so hindi na ako magtataka kung yan ang perception mo." Sagot niya na may bahid na pagkairita.
Hindi ito kumibo. Sa halip ay patuloy lang itong nakadungaw sa kanya.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin ay tutungo na ako." She side-stepped around him and resumed walking.
His presence made her senses go crazy. Kailangan niyang lagyan agad ng malaking distansiya sa pagitan nila.
"How much did Stephen offer to lure you back here?" Anito na nagpapanting sa kanyang tenga.
She turned and paused. His handsome face was illuminated by the light coming out from one of the balconies of the hotel's east wing.
"Anong pakialam mo?" Mainit niyang bwelta. Sa tingin talaga nito ay mukhang siyang pera.
"Nagtatanong lang naman ako."
"I don't think you have the right to ask. We're not even close. Teka nga, ano bang ginagawa mo dito?"
"Nagpapahangin. Saka...this is my cousin's resort. I can go in and out whenever I want." Tugon nito.
Napairap siya sa kawalan.
"Nawalan ba ng hangin sa villa mo?" sarkastiko niyang tanong.
"Mahangin naman doon. Pero mas masarap kasing magpahangin dito. Bakit, bawal ba?"
"Hindi." sabi niya sabay talikod dito.
"So magkano nga?"
"It's not about the money!"
"I don't believe you."
"Then don't. I'm trying to convince you, anyway. At isa pa, wala ka na dun!" Mabilis siyang naglakad uli. This time ay mas nilakihan pa niya ang kanyang mga hakbang.
She thought he'd leave her alone this time. Pero nagkamali siya.
"You don't belong here." Saad nito na nakabuntot pa rin pala sa kanya.
Pagod siya sa buong araw na nakababad sa mainit na kusina at kung maaari sana ay ayaw niyang patulan ang lalaking 'to. Pero sadyang sinusubukan nito ang kanyang pasensiya kaya inis niya itong nilingon. Muntikan na sanang sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Mabuti na lang at agad siyang nakabalanse nang umatras siya para huwag lang masubsob ng tuluyan ang mukha niya ss dibdib ng binata.
"Anong alam mo kung saan ako nararapat at kung saan hindi? Sino ka ba sa inaakala mo? Let's make things clear here. Si Azalea lang ang ayaw mong nandito sa isla and since I'm not her, lubayan mo na ako."
"I have my reasons."
"Tsk! Kung makapagsalita ka, parang ikaw ang nagmamay-ari nitong isla ah. Hindi mo ako kilala kaya huwag mo akong husgahan! Hindi ako mukhang pera gaya ng inaakala mo." Inis niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...