MALAYO na sila sa highway. Ang layo naman yata ng paroroonan nila? Sa isip-isip niya. Ihahatid na kaya siya nito sa pier? Pero tanda niyang hindi ito ang daan papuntang doon. Ano kaya ang balak nito sa kanya? Saka bakit ang laki naman yata ng galit nito kay Azalea?
Being stuck in a situation like this made her wish she had studied Psychology so she could at least analyzed or read facial expressions accurately.
Napahawak siya sa kanyang tiyan. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nanglalagkit na ang pakiramdam dahil sa magkahalong pawis at tubig-dagat sa kanyang balat. Naka-on naman ang aircon sa loob ng sasakyan pero sobrang mainit pa rin.
Kung hindi lang dahil sa lalaking ito ay nakaligo at nakakain na sana siya ngayon. Naglalaro na ang mga imahe ng pagkain sa kanyang isipan. Mag-aalas nuebe na yata at wala pa siyang almusal.
Panakaw niyang pinasadahan ng tingin ang lalaki. Medyo maluwag na ang pagkakahawak nito sa manibela pero nakanuot-noo pa rin. Even when he was scowling, he still looked sinfully beautiful. He smelled good too. Too good that it made her nostrils flared, wanting for more. He smelled of expensive perfume, clean and fresh. So undeniably and temptingly manly.
Kumakabog na naman ang abnormal niyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla nalang ito kumakabog ng ganito.Napailing siya. This man was out of her league or rather, she was out of his league. Either way, she shouldn't be fantasizing about him. Kahit hindi ang estado sa buhay ang pagbabasehan, talagang malayo at malabo. Hindi pa man niya kilala ng lubos ay alam niyang magkaibang-magkaiba ang mundong ginagalawan nila ng lalaki.
If they had met four years back, maybe there would be a possibility. Pero napailing siyang muli at lihim na natawa sa naisip. Heto siya't tinangay ng estrangherong 'to tapos kung saan-saan pa dumadako ang isipan niya. Masyado na nga yata siyang babad at naaapektuhan sa mga binabasang classic romance novels.
Napukaw ng lalaki ang kyuryusidad niya. Kung totoo ang sinasabi nito at kung iisang Azalea lang ang tinutukoy nila, paano kaya nagkrus ang landas mga kapatid nito at ng kapatid niya?
She tried to recall few things about her sister. Maging ang hilig nitong gawin at klase ng mga kaibigan nito. She recalled her traits, habbits and all. Her sister was a brave woman. She was also headstrong and feisty but Edelweiss couldn't remember her sister fraternizing with men like the one seated next to her right now. Alam niyang hindi kayang i-hadle ng kapatid niya ang ganitong klaseng lalaki na mainitin ang ulo at antipatiko. Malamang ay walang pinagkaiba sa kanya ang kapatid nitong si Vince.
Napabuntong uli siya. He was wasting her precious time. She was supposed to be having a healthy meal right now in El Cielo instead of having this ride to nowhere! She looked through the window. Ang kakapal ng kakahuyan na nadadaanan nila. Sigurado siyang malamig ang parteng ito ng isla. Masarap sigurong manirahan dito. Malayo sa polusyon at sa napakalaking populasyon ng siyudad. Mas lalo sana niyang maa-appreciate ang kapaligiran kung ibang tao ang kasama niya ngayon at hindi 'tong taong 'to.
Life was really full of twists and turns. Lalo na ang buhay niya. Hindi naman sa namumulubi siya ngayon kompara noon pero hindi na siya pwedeng basta-basta na lang magwaldas ng pera gaya ng dati. Kaya nung makabalik siya dito sa Pinas ay naghanap agad siya ng trabaho.
Naalala niya ang kanyang trabaho. Nagpapasalamat siya kay Yvan, ang nagmamay-ari ng fine-dining restaurant na kanyang pinapasukan sa Rockwell dahila pinayagan siyang lumiban ng ilang araw sa trabaho. Masaya rin siya dahil isinama siya ni Kale dito sa isla. Napakadalang lang ang ganitong pagkakataon na makakapagbakasyon ng mahaba-haba at sa isang napakagandang probinsiya pa.
Nawala ang maalwan nilang pamumuhay noon pero kahit kailan ay hindi naman siya nakaramdam ng panghihinayang. Ang tanging pinanghihinayangan niya lang ay ang buhay ng kapatid niyang si Azalea.
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...