Chapter 3

32 6 0
                                    

LAMAN pa rin ng isipan ni Edelweiss ang lalaki sa tabing-dagat habang binabaybay ang daan pabalik sa hotel.

Ano kaya ang problema ng lalaking iyon? The man intrigued her. Parang binabalot ng misteryo ang buong katauhan. Mukha namang matino pero bigla-bigla na lang nagagalit.

He looked hotter when he was mad, though. She was torn between making him mad or ignore him if their paths cross again. The idea of making him mad made her smirk unconsciously. But entangling herself with a man wasn't included in her priority list. She instantly shook her head to brush off the idea. She was here to unwind, not to flirt.

Gusto sana niyang tumambay nalang sa kwarto kaso bigla siyang nakaramdam ng gutom. Nag-aatubili siyang bumaba. Baka kasi makasalubong niya ang lalaki at baka komprontahin na naman siya nito. Buti na lang walang ibang tao kanina sa tabing-dagat. Nakakahiya kapag nagkataon. She got lucky awhile ago. Hindi nga lang niya alam kung suswertihin pa ba siya ulit. Gwapo ito pero niya ayaw na niyang makaharap muli ang lalaki.

Hihintayin pa sana niya ang triplets pero kumakalam na talaga ang kanyang sikmura kaya bumaba na lang siya at kaagad na nagpunta sa restaurant pagkatapos magbihis.

Magkasabay silang magpipinsan na nagpunta dito sa isla pero may kani-kaniyang agenda yata ang mga ito. Para tuloy siyang mag-isang nagbabakasyon. Hindi naman siya nagrereklamo. Sa katunayan nga niyan ay masaya siya dahil parang solo niya ang lugar. She liked the solitude and she was lucky enough to spend time in this paradise.

"Lasagna with garlic bread saka tatlong cinnamon rolls, thanks." Ganyan kagutom ang lola Edelweiss ninyo. "Padagdag na rin ng Caesar salad at isang bowl ng pineapple chunks." Pangwalis sa mga lalantakin niya.

"There you are! Bakit mag-isa ka at nasaan ang tatlo?" napaangat siya ng tingin. Nakangiti si Kale habang naglalakad papalapit sa inuokopa niyang mesa.

Saan naman kaya galing ang magaling niyang pinsan. Ang lakas pa ng boses ng mokong. Mabuti nalang at konti lang ang kumakain ngayon. Walking behind him were the two gorgeous owners of El Cielo. Tamad na naglakad ang mga ito patungo sa mesa na kinaroroonan niya.

" Ano ka ba Kale? Mag-isa lang kaya akong pumunta dito. I'm having this vacation alone." biro niya.

Gumuhit ang guilt sa mukha nito. "Sorry-"

"Sus! Nag-i-enjoy ako so don't worry. Umalis sina Helena at nagpunta sa isang bar sa kabilang resort." Kaagad na agap niya.

Nang makalapit sa mesa ang dalawa pa nitong kasama ay sabay na napamulagat ang mga mata nito nang makita ang mga inorder niya na kalalapag lang ng waiter.

"Uy! May bukas pa." puna ni Stephen na siyang matalik na kaibigan ng kanyang pinsan. She saw Jai snickered so I glared at him.

"Gutom ako kaya tigilan niyo ako!"

"Ang dami naman yata niyan? Kasama na ba ang agahan diyan?" Asar ni Stephen.

"Tse! Bakit ba kayo nandito?" tanong niya. Lol! Parang nanay lang kung makapagtanong!

Kilala niya na dati pa si Stephen dahil kaklase ito ni Kale noon sa koliheyo at parati ito sa bahay ng pinsan. Si Jai naman ay na-meet niya lang three days ago pagdating nila dito sa resort. Kung busy sa pambababae ang isa sa kanila, automatic na ang isa sa kanila ang magpapaiwan para asikasuhin ang negosyo. Ganun sila. Business-minded na babaero. Mabuti na lang at hindi katulad nila si Kale. Duda niya ay may AIDS na itong si Stephen. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses na itong nagpapalit-palit ng ng babae.

"Gutom din kami, eh." sagot ni Jai sabay himas sa tiyan nito. Para namang walang mga bahay ang mga ito. Isa-isang nagsi-order ang mga ito.

Aba't balak pa atang kumain ang mga ito dito sa table ko! Nagsiupuan na kasi ang mga ito bago um-order.

Drawn to You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon