Chapter 5

35 6 0
                                    

Hindi maintindihan ni Edelweiss ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kasabay ng pagyugyog ng mga balikat dahil sa pagtawa ay ang biglaang pagbagsak ng kanyang mga luha. Nababaliw na yata siya. It was impossible to just accept the fact that they were talking about the same person. She thought deep inside she knew. She was just too dumb to acknowledge her hunch.

Nakita niya ang ginawang pagtingala ng binata kasabay ng pagrolyo ng mga mata nito. Siguro'y iniisip nito na nagdadrama lang siya. Tumayo ito at padabog na inilapag ang isang roll ng paper towel sa harapan niya.

"I'm sorry." Paghingi niya ng paumanhin bago tumayo at lumabas ng kusina. Nakita niya ang nakabukas na pinto papuntang terasa kaya tinakbo niya iyon.

Nang mapag-isa ay tuluyan na siyang napahikbi. Abot-tanaw mula sa terasa ang dalampasigan at ang napakaputing buhangin nito. Kahit ang napakagandang tanawin sa ibaba ay hindi naging sapat para bawasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Hangga't maaari ay ayaw niyang dungisan ang mga magagandang alaala na iniwan ni Azalea. She wanted to preserve those happy memories that she and her sister shared together. Masayahin na tao si Izzy at hindi aloof. At lalong hindi masamang tao ang kapatid niya. Bakit naman nito hahangarin na umasa sa yaman ng iba gaya ng inaakala ni Vaughn. Nakapadali pala nitong manghusga ng tao. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa o malulungkot sa kaalamang patay na ngang talaga ang nakatatandang kapatid.

Pero sana nga totoo na lang ang pinagsasabi ni Vaughn. Sana nga buhay talaga ang kapatid kanyang kapatid nang sa ganun ay makasama nilang muli ito.

Naramadaman niya ang pagsunod ni Vaughn kaya mabilis niyang pinalis ang kanyang mga luha. Tumabi ito sa kinatatayuan niya at itinukod ang mga siko sa barandilya.

"I may have pushed you too far, but I didn't mean to. Nadala lang ako. I just wanted to protect my brother. I've done a terrible mistake years ago and I witnessed how a woman could be so wicked and heartless. Noon ko lang napatunayan na kaya rin palang manloko ng mga babae."

"Wala kang dapat ipag-alala dahil patay na talaga ang taong tinutukoy mo."

"What do you mean?"

"Azalea Fontanilla is–was my older sister. I didn't want to believe we were talking about the same Azalea. Kaya hindi ko sinabi agad na may kapatid ako na Azalea ang pangalan. It was just too impossible to think that I didn't know about the relationship that she had with your brother. Hindi naman siya masekreto na tao. Or so I thought. Baka nagkamali lang ako."

Natahimik ang katabi niya sa kanyang pahayag. Hindi siya nakatiis kaya bahagya niya itong nilingon.

.

"What?" taas kilay niyang tanong dito. "Don't tell me hindi ka pa rin naniniwala? Gusto mo ba ng birth certificate?"

"To be honest, I don't know what to say." Mukhang hindi ito kuntento sa kanyang inilahad. "Maybe I'd known or guessed from the start. I was just too stubborn to admit that you were another person. One thing that's odd, though. Kakahiwalay lang ng kapatid ko sa asawa nito. You're here with your cousins and my brother came home all of a sudden. He must have been waiting for this moment so–"

"There's nothing odd about it. Can you take me back to El Cielo now? Thanks for the breakfast, by the way." putol niya rito. Sawa na siyang pakinggan ang mga pagdududa nito.

Magsasalita pa sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Sa una ay hindi nito pinansin ang tawag but the caller was persistent kaya wala itong nagawa kundi sagutin iyon. "Wait a sec."

"Vaughn Gabriel!!!" The person on the other line shouted impatiently.

Sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya ay rinig niya iyon mula sa kanyang kinatatayuan. Bahagya ring inilayo ni Vaughn ang cellphone sa tenga nito.

Drawn to You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon