Chapter 1.

663 37 6
                                    

MIAKA'S POV

(Miaka's pic sa taas)

"pa naman.. payagan niyo na akong makapagtapos sa college dalawang taon lang naman ang kulang eh. pangako pagkatapos na pagkatapos magtratrabaho agad ako." mangiyak ngiyak kong sabi.

"hindi talaga pwede gipit na ako wala pang trabaho ang mama mo. patapusin mo nalang muna ang kapatid mo ng highschool isang taon lang naman ang bibilangin." he said with full of authority.

"lagi naman syang inuuna. pwede bang ako muna? sawang sawa na po ako sa pagpapakumbaba lage ko nalang kayong sinusunod kahit labag sa kalooban ko pwede ba ngayon ako naman ang pagbigyan nyo?." hindi ko na napigilan mga luha ko. 

*PAAKK!*

langya! sinampal ako? bakit ba hindi nila ako maintindihan? pano na studies ko? mga friends ko? hindi ko na sila makakasabay sa graduation. 

"SALAMAT HA! ANG BAIT NIYO PONG AMA!" tumakbo na ako papasok sa kwarto ko tinawag nya ako pero hindi ko pinansin ni lock ko yung kwarto at nilabas ko lahat ng galit ko.

bakit ba ang mga lalaki lagi nalang akong pinapaiyak sinasaktan! ginagawa ko naman ang lahat ah para mahalin nila ako. pero bakit ganito ? lage nalang akong iniiwan ng taong minamahal ko. inaagawan ng atensyon at pagmamahal sa ama ng bunso kong kapatid na lalaki at hindi pinapahalagahan at pinapansin ng papa ko ang pagsisikap ko sa pag-aaral?? bakit!? wala kayong kwenta hindi na dapat kayo minamahal at pinag.aaksayahan ng panahon! 

[A/N: peace mga boys ^___^v ] 

napagdesisyonan ko nang lumayas ngayong gabi hindi ko na matiis ang pamamahay na ito. hahanap ako ng trabaho mag-iipon ako at papag-aralin ko sarili ko, patutunayan ko hindi ko kailangan ng tulong nyo. 

*sumunod na mga araw* 

"ang init! pagod na ako .. hirap pala maghanap ng trabaho! >-< " nagpapahinga muna ako rito sa gilid ng kalsada ang init kasi. 

"MAGNANAKAW!! YUNG BAG KO!!" sigaw nung babae 

huh? tangena talaga tong mga lalaki! magnanakaw naman ngayon? lagot ka sa akin! *takbo papunta sa magnanakaw* 

"san mo balak pumunta?" harang ko sa magnanakaw habang hinahatak yung damit nya sa likuran. 

"wag kang maki.alam kung gusto mo pangmabuhay!" bago pa kumuha nang patalim yung magnanakaw inunahan ko na agad sya hinila ko sya paharap at sinipa ang maselang parte ng katawan nya dahilan para mabitiwan nya ang nakaw nyang bag agad kong kinuha ang kutsilyo sa bulsa nya. 

"wag kang kikilos!" sigaw ko sa magnanakaw habang nakatutok sa leeg yung kutsilyo at pinipigilan ng paa ko ang katawan nya na nakakulob sa lupa . 

"wag maawa ka! ayoko pang mamatay!" pagmamakaawa nyang sabi. 

"*smirk* then you should never have been born!" pabiro kong diin yung kutsilyo sa leeg nya. 

"yun po mamang police! yan po yung magnanakaw!" narinig kong sabi nung babae sa likuran ko. 

agad na pumunta sa direksyon namin yung police at hinuli yung magnanakaw. 

"naku miss salamat! maraming salamat talaga... kung di dahil sayo nabitbit na sana nang hayop na magnanakaw yung bag ko. i owe you a lot. okay ka lang ba? hindi kaba nasaktan?" sabi nung ginang sakin. 

"ah walang anuman po yun nararapat lang na parusahan yung isang yun. okay lang po ako. salamat. ahh-ehh aalis na po ako sige po." bigla akong hinatak nung ginang. 

"teka lang hija. anong pangalan mo? at pano ba kita mababayaran sa ginawa mong pagtulong sakin? sabihin mo. " sabi nung ginang habang nakangiti. 

"ahh-ehh hindi naman po ako humihingi nang kapalit eh. pero kailangan ko po talaga ng pera ngayon. may alam po ba kayong pwdeng pasukan na trabaho?" nakooo... nakakahiya naman tong ginagawa ko. 

"trabaho? aha! walang problema naghahanap kasi ako ng papalit dun sa nagretire naming katulong kung interesado ka?" sabi ng ginang omygulay! ito na to sunggaban na! *------* 

"opo! kahit ano po tatanggapin ko sanay po ako sa mga gawaing bahay" yesss... may trabaho na ako \(^0^)/ 

"mabuti kung ganun kailan ka magsisimula?" sabi ng ginang. 

"pwede po bang ngayon na? wla kasi akong matutulugan ngayon eh." 

"okay then lets go!" 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SORRY FOR THE SPELLING AND GRAMMATICAL ERRORS . 

please vote and support ^-^ i would like to hear from you kung meron man kayong comments and suggestion wag po kayong mahiya

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

HINDI AKO TANGA DAHIL MINAHAL KITA, SADYANG MANHID KA LANG DAHIL DI MO NADAMA!✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon