Chapter 8.

290 29 2
                                    

*kinabukasan*

AKIYO'S POV

Akala ko iiwan na talaga ako ni Miaka dahil sa sobrang pagtatalo namin kagabi pero mali ata ako dahil yun ang naging pinakamasayang nangyari sa tanang buhay ko lalo na nung sinabi nyang mahal rin nya ako.

*grrruuuuwwlll*

[A/N: pasensya na tunog po yan ng kumakalam na tyan. ]

nagugutom na ako! pagkatapos kong manghilamos bumaba na ako para kumain. gising na kaya si Miaka? gusto kong sabayan nya ako sa pagkain.

"Manang Tes si Miaka po?"

"Andun po sa labas. kasama di yung mama nyo po nagdidilig ng mga halaman." si mama talaga ng papagod na naman agad akong pumunta sa garden.

"Ma.." tawag ko.

"oh? Akiyo gising ka na pala!"

"Hiniram ko muna tong girlfriend mo sandali." pabirong sabi ni mama.

"hindi ko po sya boyfriend." sabat ni Miaka ipagkaila ba naman ako?

"Hoy! anong hindi mo ako boyfriend ha?" sabi ko kay Miaka.

"Oo nga hija akala ko ba ok na kayo kagabi." -Mama.

"di porket sinabihan kita ng I Love You eh tayo na. abay dapat mangligaw ka muna." -Miaka.

"halos araw-araw na kitang nililigawan ah." -Ako.

"Sumusuko kana?" -Miaka.

"hayy nakakamiss yung kabataan ko." -Mama.

"Ma.. mas mabuti pa pumasok na kayo sa loob masama sa inyo mapagod." -Ako.

"Okay lang anak nakakabagot na rin ang walang. ginagawa." -Mama

"Maam. sige napo magpahinga na muna kayo."-Miaka.

"O sige na nga mapilit kayo eh." pumasok na kami tatlo sa loob hinatid ko na rin si mama sa silid nya.

"Pahinga muna kayo ma. kakain lang ako." -sabi ko kay Mama .

"Anak bago ka umalis may sasabihin muna ako." tumayo si mama at may kinuhang maliit na box sa drawer nya.

"Ano po yan?" tanong ko.

"Anak gusto ko nang magka-apo... gustong-gusto ko si Miaka para sayo kaya ibinibigay ko yan sayo anak para alukin mo sya na magpakasal." -Mama.

"Ma.. pwede naman akong bumili ng ibang engagement ring wag na yan mahalaga ho yan sa inyo." pagtanggi ko.

"Hindi anak gusto ko ipasa-pasa yan sa generation natin sige na tanggapin mo na." pagpupumilit ni mama.

"sige na nga tatanggapin ko na *hinalikan ko ang noo nya* salamat ma." at umalis na.

*sa veranda*

"Miaka.. kumain ka na ba?" -Ako.

"hindi pa. bakit?" -Miaka.

"upo ka. sabayan mo na ako." -Ako

"wag na..." -Miaka

"Tigas talaga ng ulo mo. paghindi ka umupo hahalikan kita." -Ako.

"Subukan mo." tapos tumalikod sya.

"Akala mo nagbibiro ako. *sabay habol sa kanya* huli ka! " -Ako.

"haha oo na uupo na ako." sabi nya mas lalo talaga syang gumaganda pagngumingiti sya.

binuhat ko sya pabalik sa veranda at pinaupo tapos kumain na kami.

"Miaka lalabas tayo mamayang gabi." -Ako.

"San na naman tayo?" -Miaka.

"Basta trust me." -Ako.

"Ok sige." -Miaka.

---------------------------------------------------------------------------

STILL AKIYO'S POV

Pagkatapos naming kumain at mag- usap ni Miaka agad akong umalis ng bahay para ihanda ang sorpresa ko para sa kanya...

Nagreseach ako tungkol kay Miaka sa Facebook nya nalaman kong Aeronautical School pala ang pinapasukan nya noon kaya ang ginawa ko inareglo ko ang may ari ng runway para sa mga private planes dahil sa lugar na to gusto kong mapaOO si Miaka.

nang natapos na ang lahat ng kakailanganin dumaan muna ako sa simbahan...

"Lord, salamat dahil dumating sa buhay ko si Miaka sana po sya na ang babaeng nakalaan para mahalin ko habang buhay.. Tulungan niyo po ako mamayang gabi wag po sanang umulan para mayaya ko nang magpakasal ang babaeng pinakamamahal ko. Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu santo, AMEN."


pagkatapos kong magdasal dumiretso na ako sa bahay..

*sa bahay*

Kumakain kami ngayon ng hapunan kasama ko si mama at si Miaka.

"Miaka heto nga pala isusuot mo mamaya sa pupuntahan natin." iniabot ko sa kanya ang bag.

"Huhulaan ko gown na naman to?" -Miaka.

"Mali" -Ako.

"ehh? hmm Casual/Cocktail Dress?" -Miaka.

"Hindi rin." *sabay ngiti* -Ako.

"Sige na nga sirit na." -Miaka.

"Haha ang cute mo pala pag pikon na. buksan mo nalang kaya." -Ako.

binuksan na nya ang paper bag at sinabing.

"Cool! sakin talaga to?" sabi nya sabay ngiti.. hay nako! nung gown yung ibinigay ko hindi sya ngumiti. pero itong sapatos,skinny jeans, at isang simple na color baby pink na t-shirt wagas makangiti.

"Haha malamang! Alangan naman ako magsusuot nyan?" -Ako.

"pssh! malay ko ba hindi pa ra sakin yan." -pikon nyang sabi.

"Haha hija kaya nga nya ibinigay sayo. hindi naman ako magsusuot ng ganyan eh." singit ni Mama.

"sabi ko nga *sabay subo ng steak*" -Miaka.

nagtawanan lang kami ni mama. Pagkatapos naming kumain nag-ayos na ako ng sarili ko ganun din si Miaka para lakad namin.this is!

"Miaka aalis na tayo ready kana?" -tanong ko.

"Oo naman." -Miaka.


sumakay na kami ng kotse at tumungo na sa pupuntahan namin.

Nang nakarating na kami tinanong agad ako ni Miaka..

"Anong ginagawa natin dito? san tayo pupunta?"

ngumiti lang ako at sinabing "Basta....sumakay ka nalang tayo sa helicopter ok?" sumunod naman sya sa sinabi ko nagsimula nang umadar at lumipad ang helicopter nang medyo malayo na kami at kita na ang runway sa baba, sinimulan ko na ang surpresa ko ..

"Miaka tingnan mo sa baba"

"Ayoko nga baka mahulog pa ako." -Miaka.

"Hahawakan naman kita eh. trust me hindi ka mahuhulog." -Ako.

"Sabi mo yan ah! pag-ako nahulog isasama kita."

tumawa lang ako at tiningnan na nya yung nasa baba. tapos...


Humarap sya sakin umiiyak..

"Miaka..*niyakap ko sya* bakit ka umiiyak? hindi mo ba nagustuhan ginawa ko?" Hinampas nya ulo ko.

"ARAY! bakit mo ginawa yun?"

"Gago ka! hindi pa nga tayo Will you marry me na agad?!." sabi ni Miaka

oops! nakalimutan kong sabihin kung anong nakita nya sa ibaba mga kulay dilaw na ilaw ng runway ginagawa kong WILL YOU MARRY ME.


napakamot lang ako ng ulo sa sinabi ni Miaka pero bago pa ako makapasalita hinila niya ako at hinalikan... Ako naman syempre gulat!

"So it means?..." -Ako.

"YES AKIYO! I WILL MARRY YOU" -Miaka.

niyakap ko agad sya at kinuha ang singsing sa bulsa ko , at isinuot ko ito sa daliri nya.

"Ang ganda nito Akiyo. Salamat."

I gave her a torrid kiss and press the remote dahilan para magputukan ang fireworks na inihanda ko.

kumawala sya sa halik at sinabing.. "May fireworks pa talaga?" -Miaka.

tumawa lang ako ...

"Akiyo i never expected na gagawin mo to.. although posible nga na yayain mo akong magpakasal pero hindi ko inexpect na sa ganitong paraan. bakit dito mo naisipang magpropose?" -Miaka.

"Lets just say i did some research about your background ^__^ alam ko sa Aeronautical School ka nag-aaral." Niyakap nya ako bigla...

"Hinding-hindi ko to malilimutan. salamat Akiyo."

"Anything for you Miaka."

Thank you Lord! dininig mo prayer ko

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SORRY FOR THE SPELLING AND GRAMMATICAL ERRORS .


please vote and support ^-^ i would like to hear from you kung meron man kayong comments and suggestion wag po kayong mahiya.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HINDI AKO TANGA DAHIL MINAHAL KITA, SADYANG MANHID KA LANG DAHIL DI MO NADAMA!✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon