MIAKA'S POV
Hanggang ngayon may hang over pa ako sa mga nangyayari sa muntikan kong pagkalunod kanina at sa pagyakap sakin ni Akiyo.
malakas ang kutob kong si Stella ang may gawa nung muntikan kong pagkalunod dahil kahit malabo yung nakita ko sa tubig halata namang babae yung humatak sakin kasi parang naka two piece na kulay green si Stella lng naman ang nakatwo piece na kulay green.
baliw na ata ang babaeng yun, bakit ba kasi dikit ng dikit tong si Akiyo sakin yan tuloy nanganganib buhay ko may payakap yakap pa syang nalalaman eto namang si abnormal kong puso nakikisabay.pano nalang kong nakita ni Stella yun? edi gulo na naman hahayy sana hindi ko na lang tinanggap ang trabahong to pag.uwi na pag.uwi namin sa Manila magreresign na talaga ako para ng sa ganun hindi na lumalala pa ang nararamdaman ko kay Akiyo.
"Miaka!"
"Ay kalabaw!"
"Tao ako hindi kalabaw." sabay inom dun sa hawak nyang wine.
"Akiyo? may ipag-uutos po ba kayo?" lasing na ata to.
"oo!"
"ano po yun?" lumapit sya sakin at sinabing
"mahalin mo ako." what? wait? tama bang dinig ko?
"sir lasing lang po kayo mabuti pa ihatid na kita sa kwarto mo. bakit di mo kasama girlfriend mo? pagseselosan na naman ako nun."
"wala na kami ni Stella Miaka."
"ano? bakit?"
"Miaka mahal kita hindi ko alam pano o kailan ito nangyari basta ang alam ko mahal kita Miaka."
"lasing ka lang hindi mo alam sinasabi mo!"
"Hindi ako lasing nakainom lang ako!"
**PAAK!**
"nahihibang kana ba? hiniwalayan mo ba si Stella dahil lang sakin?" yumuko sya at sinabing
"o-oo pero Mi-"
"pero ano?! hindi mo ba alam kong anong nararamdam nya ngayon? akala mo ba ok lang ang lahat pagkatapos mo syang hiwalayan?! Akiyo mag-isip ka nga! wag kang selfish!"
"im sorry Miaka.. pero makinig ka muna sakin..hindi ko lang matanggap na muntik ka na nyang mapatay dahil sa kaseselos nya."
"anong ibig mong sabihin?"
"sya ang humatak sayo sa dagat Miaka."
"ano?"
"oo Miaka kaya ko sya hiniwalayan natakot lang ako na baka mawala ka sakin."
"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? pagkatapos nyong pagsawaan kaming mga babae iiwan nyo agad pagnakakita kayo ng mas bago? tapos sinisisi mo si Stella sa muntikan kong pagkalunod? mag-isip ka nga? ikaw rin naman ang may kasalanan kung totousin.. kung hindi kalang sa dikit ng dikit sakin hindi gagawin ni Stella yun..ginawa nya yun para walang makahadlang sa pagmamahalan nyo kaya hindi ko sya masisisi. Patawad Sir pero hindi ko matatanggap pagmamahal nyo habang merong ibang nagdurusa.. lalo't lalo na isa lang akong di hamak na katulong!"
"Mi-Miaka" lumuhod sya at umiyak?
"hindi man ngayon pero balang araw maiintindihan mong nararamdaman ko. maaaring hindi mo ako mahal ngayon pero gagawin ko ang lahat mapa-ibig lang kita!" tumayo sya at umalis na. Napa-upo lang ako sa kama ko at hindi ko na napigilan sarili kong umiyak...
hindi ko alam kong bakit ganito nararamdaman ko .. siguro nga ngkakagusto na ako sa kanya...pero hindi sa ganitong paraan na may nasasaktang iba... alam ko kung gaano kasakit ang iwanan pano kong dumating ang araw na iiwanan mo rin ako pagnakahanap ka na naman ng iba?... pagod na akong masaktan at umiyak.
BINABASA MO ANG
HINDI AKO TANGA DAHIL MINAHAL KITA, SADYANG MANHID KA LANG DAHIL DI MO NADAMA!✔
RomantizmVULNERIA SERIES: 1 This story is submitted way back my jeje days. So expect Jejemon words here. Hindi pa ito narerevised so please bear , or wait until I edit it. ALL RIGHTS RESERVED this story is originally created by wild imagination, any simil...