My Unwanted Bride
Chapter 20 (Goodbye Paula)
[Kathryn's POV]
"Grabe ka Kath! Imba na yang Katangahan mo! Sayang effort namin oh! Alam mo ba yung buong araw akong nabadtrip dahil nag auto delete yung cp ko tapos nangangamba ako kasi nawala yung mga pictures ni Chesca na PINAGHIRAPAN naming kuhain. Alam mo yung. Nagutom kami. Tapos sasabihin mong alam mo na? Pisti yan!"-Julia.
Sinabi ko ba kasing sundan nila si Chesca at matyagan? Hindi naman diba? So anong pinaglalaban ng mga to?
"Tapos yung alam mo yun? Nakita ko pa tuloy yung gerlpren ng crush ko dahil sa Chesca na yan. Dapat talaga matagal ko ng inumbagan yun eh! Kath! Ano ka ba? Tanga ka ba? Shunga ka ba? May sakit ka ba sa isip? Sabihin mo lang samin. Iintindihin ka namin. "-pagpapatuloy pa ni Julia.
"At least kwits na tayo."-kalmado kong sagot.
So ako pa ang sinisisi nila? Eh sila tong nagkusa na imbestigahan yang babaeng yan diba? Inutusan ko ba sila? Hindi diba. So ipush nyo yan!
"Kathryn, Grabe ka. Alam mo namang may lalaking nilalandi yang si Chesca. Bakit hindi mo sabihin kay Daniel? Edi sana hayahay ang buhay mo at nagmamahaaln kayong dalawa. THE END diba?"-April
"Sa tingin nyo ba papaniwalaan ako nun? Kahit may ibidensya. Isang yakap at salita lang mula kay Chesca. Maniniwala na yun fun diba? So what's the point? Dadating din ang tamang panahon para sa katotohanan."-Ako.
Totoo naman diba? Hindi mo alam kung anong kayang gawin ni Chesca. Napapaikot nya si Daniel eh. Kaya talo pa rin ako.
TALO NAMAN AKO LAGI. ANONG BAGO?
"Kath, hindi ka ba napapagod? Kasi diba, alam mong hindi ka nya mahal pero umaasa ka. Ang hirap kaya nun. Para kang pantasya ng pantasya sa crush mo pero alam mong may girlfriend na sya."-Sofia.
Napapagod ba ako? Hindi ko rin alam eh.
"Sa totoo lang, gusto ko na ring mapagod. Pero alam mo yun. Yung puso mo ayaw tumigil? Kahit na masakit. Kahit na mahirap. Ok lang. Kasi umaasa pa rin ako. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. TANGA ko diba? Alam ko."
Dapat talaga ang title nito ay.... ANG BABAENG TANGA. Kaso English daw para sosyal >.<
"So magdadramahan nalang tayo dito? Hindi ako makarelate. Ichika mo na nga lang samen yung trip to Batangas chuchu nyo."-Xyra.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Bride [KathNiel] (REVISING)
FanfictionKailan mo nasabing matapang ka na sa "pag-ibig"? Nuong bang, pinakawalan mo siya dahil hindi ikaw ang mahal niya? O nuong lumaban ka ng mag-isa para sa nararamdaman mo? Desperada ang tawag sa kanya, minsan tanga din. Cause she is willing to be HIS U...