My Unwanted Bride
Chapter 19 (The Flashback)
[3rd Person's POV]
Paano nga ba nagsimula lahat ng gulong ito?
3rd year highschool palang sina Kathryn at Julia. Kalilipat pa lang ni Julia sa paaralang iyon pero agad nyang nakasundo ang mga tao. Dito nagsimula ang lahat.Maraming bumabati sa kanila. Hindi sa sikat sila sa paaralang iyon. Sadyang palakaibigan lang ang dalawa. Masayang nagtatawanan ang mag kaibigan ng....
"Sorry miss."-isang gwapong lalaki ang nakabangga kay Kathryn. Natulala ang dalaga. Dumagundong ang puso ni Kathryn. Nakatitig lang sya sa lalaki habang kinukuha ang mga nahulog nyang libro at gamit.
"O-Okay lang."-Tumayo na ang dalawa. Hindi makaiwas ng sulyap si Kathryn sa lalaki.
Umalis na ang lalaki. Pero hindi pa rin makapaniwala si Kathryn.
"Julia! Grabe. Omaygad! Oxygen! Ang gwapo. Dapat tinulak mo sya para mas malapit eh!"-saad ni Kathryn habang nagpipigil ng tili. Tila walang pake ang kanyang kaibigan dahil hindi sya pinansin ng crush nya.
'Grabe. Ang pogi.'-yan ang nasa isipan ni Kathryn.
'Hindi makamove on? Ikaw na.'-sa isip ni Julia. Kahit na imposible,umaasa pa din si Kathryn na balang-araw magkakalapit din ang mga mundo nila. Nakangiting nakauwi si Kathryn. Sino nga ba ang nakabangga nya?
Walang iba kung hindi si Daniel. Gwapo. Mayaman. Sikat. Matalino. Ano pa nga bang hahanapin mo? Kaya naman halos lahat ng kababihan sa kanilang paaralan ay siya ang iniidolo. Ngunit hindi sya katulad ng iba na arogante. Mahangin lang siya. Katulad ng iba. Pero kung tutuusin, magalang pa rin sya.
Matagal na syang pinapangarap ni Kathryn. Simula pa lang noong... kelan nga ba? Noong elementarya pa ata sila. Pero,walang lakas ng loob si Kathryn para sabihin ang nararamdaman nya. Babae pa rin kasi sya. May pride pa ring iniingatan.
Lumipas ang mga araw at buwan. Naging malapit si Kathryn at Julia sa mga kaibigan ni Daniel. Sadyang simple at magaling makisama ang dalawa. Hanggang sa, napalapit na pala si Kathryn kay Daniel. Naging komportable sila sa isa't-isa. Nagsasabihan sila ng problema. Nang...hinanakit. Pero hindi pa rin masabi ni Kathryn kay Daniel ang kanyang tunay na nadarama. Lalo na ngayon at mas nakikilala pa nila ang isa't isa. Hinahatid sundo ni Daniel si Kathryn sa bawat klase nito. Halos magnobyo't nobya ang tingin sa kanila. Pero halos gumuho ang mundo ni Kathryn ng....
"Bal! Kame na ni Chesca!"-halos manglumo si Kathryn sa kanyang narinig. Pinigilan nya ang mga luhang gusto nang lumabas ng kanyang mga mata. Nagkunwaring masaya. Pinilit nyang ngumiti. Sa kabila nang kanyang sakit na kanyang nadarama.
Siguro nga pinakanak akong TANGA.
sabi ng utak ni Kathryn.
Lumipas ang isang taon at halos Mag-iisang taon na rin sina Chesca at Daniel. Pero mas lumalim pa ang pagtingin ni Kathryn kay Daniel. Mas madalas pa ngang makapunta si Kathryn sa bahay nila Daniel kaysa kay Chesca. Halos magbestfriend na nga sila. Mayaman ang pamilya nila Chesca. Pero ayaw ni Karla (ina ni Daniel) dito. Bakit kamo? Dahil hindi maganda ang pakikitungo ni Chesca sa kanya. Kaya naman naisipan nyang tanungin si Kathryn....
BINABASA MO ANG
My Unwanted Bride [KathNiel] (REVISING)
FanfictionKailan mo nasabing matapang ka na sa "pag-ibig"? Nuong bang, pinakawalan mo siya dahil hindi ikaw ang mahal niya? O nuong lumaban ka ng mag-isa para sa nararamdaman mo? Desperada ang tawag sa kanya, minsan tanga din. Cause she is willing to be HIS U...