My Unwanted Bride
Chapter 21
[Albie's POV]
Mahal nya rin pala ako.
Mahal din pala ako ng BESTFRIEND ko.
Pero bakit iiwan nya na ako?
Hindi man lang ba nya tatanunging kung MAHAL ko din sya?
FRIENDZONE SUCKS!
Malamang nakaalis na si Paula ngayon.
'TORPE ka kasi!'-sabi ng konsensya ko.
Malay ko bang mahal nya rin pala ako? Edi sana hayahay kami ngayon diba? Yung alam mo yun? Ayoko lang isakripisyo yung friendship namin para sa bagay na hindi naman ako sigurado.
Too WEAK to take RISK
Kaya ayoko na syang sundan. Ayokong masaktan ko sya ulit.
Sa tingin ko, ngayon ko kailangan ng MUSIC.
Now Playing: LET HER GO by: Passenger
And you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow.
You only know you love her when you LET HER GO
Only you've been high when you're feeling low
Only Hate the road when you're missing home
You only know you love her when you let her go.
AND YOU LET HER GO.
Srsly? Bakit ko ba dinownload yang kanatang yan? Pinatay ko yung mp3 ko dahil wala naman syang magandang naitutulong. Kinokonsensya nya lang ako. Ayoko syang sundan kasi ayokong mapait na alaala yung baunin nya sa London. Sana nga tama ang desisyon nyang umalis.
Binuksan ko yung t.v at nanuod
"Sundan mo sya. Kasi kapag mahal mo. Hindi mo hahayaang mawala sya sayo."
@#$%&*-)+
Pinaglalaruan ba ako ng universe? Ano bang line yan! Letche. Umiiyak na nga ako dito tapos yan pa ang ipaparinig nyo sakin? Ginag*go nyo ba ako? Sign ba yan? Na dapat sundan ko sya?
Pero kung sign man yan, Papalampasin ko muna. Kasi siguro hindi ko pa rin kaya. Baka kapag nakita ko siya, bigla akong sumama sa kanya. Marami pa namang pagkakataon at kapag dumating na yung tamang oras para sa amin. Hindi ko na siya pakakawalan pa. Magtiis muna tayo Pau. Wag kang mag-alala. Pansamantala lang yung sakit. Kasi susundan kita dyan. Susundan kita kahit saan ka pa mapunta. Kahit sa impyerno pa basta magkasama tayo. Pero hindi NGAYON. Kasi katulad mo, nasasaktan din ako. Kasi bigla ka na lang nagpaalam. Ni hindi nga kita nayakap sa huling sandali. At umalis ka pa ng may dalang sama ng loob sa akin. Maghihintay ako FOR THE RIGHT TIME. Tapos susunduin kita. Pero wag muna. Kapag naghilom nalang yung sakit at galit mo sa akin. Sana kapag bumalik ako sayo, ako pa rin. Sana kapag nagkita na ulit tayo, Mahal no pa rin ako. Sana maghintay ka. Sana HINTAYIN mo ako. Paula...MAHAL KITA. Pero sadyang duwag ako.
Ngayon ko lang narealize na, andito pala ako sa sulok ng kwarto ko. Nakayuko. at uniiyak habang inaalala ko sya. Yung bestfriend na palaging nasa tabi ko. Yung BESTFRIEND kong, kasalo ko sa saya at lungkot. Yung BESTFRIEND ko na kasama ko sa kalokohan. Yung BESTFRIEND ko na kaasaran ko. Yung BESTFRIEND ko na tagapayo ko. Yung BESTFRIEND ko na nasasandalan ko. Yung BESTFRIEND kong......
MAHAL PALA AKO
I KNOW WE'LL GONNA MEET AGAIN. BUT WHEN THAT TIME COME, I WILL BE YOUR BESTFRIEND BUT OFFICIALLY YOUR BOYFRIEND.
[Kathryn's POV]
"Sayang. Akala ko pa naman. Happy ending na ang PauBie"-Xyra.
PauBie?
"Ano yung PauBie?"-curious na tanong ni Julia.
"Duh? Paula-Albie! PauBie"-Xyra.
Ah. Ang daming alam -_-
"April? Okay ka lang? Bat ang tahimik mo?"-Mabry.
Hindi likas na tahimik si April. Actually, Siya yung pinakamaharot at pinakamaingay sa'ming lahat.
"Wala."-nagkatinginan kaming lima dahil sa sagot ni April.
Ngayon lang namin syang narinig na sumagot ng ganyan. What happened to her?
"Si Seth no?"-Sofia.
"Pano mo nalaman?"-April. So si Seth nga? Bakit?
(Try mong tanungin si April baka malaman mo yung sagot!)
Psh. Right.
"Bakit? Anong nangyari sa inyo?"-tanong ko.
Bigla naman syang umiyak. Alam kong kanina nya pa pinipigilan sa pagtulo yung luha nya. Kanina, PauBie ngayon... SeRil? What the Fudge is happening?
"G*go sya! Alam nyo yung sasagutin ko na nga sya eh. Tapos malalaman kong ginamit nya lang pala ako para mapalapit kay Crystal?"-Who's Crystal?
"Cry-Crystal? Asi in? Yung girlfriend ni King?"-Julia.
Okay? What's happening? Wala akong naiintindihan. At na oop na kami nila Mabry.
"Oo. G*go sya. P*ta! Mga malalandi! Hindi nga ako makapaniwalang stepsister ko sya! Putris!"-partida humahagulgol sya nyan ha?
"Stepsister mo si Crystal?"-Julia.
"Bingi lang Julia? Kasasabi lang diba?"-Mabry.
"Oo. Mga hayup!"-April.
Hinimas himas ko yung likod nya para macomfort ko sya.
"Kath. Turuan mo nga akong maging tanga kagaya mo!"-medyo nainsulto naman ako sa sinabi nya. Okay lang yung sabihan nyang tanga ako eh. Pero sa tono ng boses nya parang iniinsulto nya ako.
"Kath. Pasensya ha?"-bulong ni Xyra sa akin. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya.
"Kath! Ano? Pano maging kagaya mong TANGA?! Kasi diba TANGA KA?"-oo na. Ako na tanga.
"April! Tama na!"-suway ni Xura sa kanya.
"Kath. Sorry sa mga sinabi ni April."-bulong sa akin ni Sofia.
"Kathryn! Pano nga? Pano nga maging TANGA kagaya mo? Yung puro asa? Puro pantasya? Pano?"-maluha luha naman ako. Masyado lang akong nasaktan na bakit kailangang ipaulit ulit sakin yung bagay na alam ko naman?
"Peste. Dakilang TANGA. Hindi naman marunong magsalita! Hoy Kathryn! Gumising ka na nga. Wag ka ng TANGA! G*go rin yan si Daniel! Lahat ng lalaki ganun!"-April. This time. Napuno ako. Sarili kong kaibigan hindi na ako maintindihan.
"Oo April! Alam kong TANGA ako. TANGA. TANGA. TANGA. Pero hindi ako kagaya mo! Pinakinggan mo ba yung dahilan ni Seth kung bakit nya ginawa yun? Kasi kung ikaw sumuko ka agad ako hindi! at magkaiba tayo. Oo. Tanga na kung Tanga. Pero hindi ako yung taong basta basta sumusuko. Sorry. Sor*sniff* ry."-tumalikod na ako at umalis.
Letche. Alam ko namang may pinagdadaanan sya eh. Ako nga eh. Harap harapan! Pero pinagsalitaan ko ba sya ng ganyan? Sorry. kung yung bida nyo TANGA. Sorry kung nakakasawa na yung Katangahan ko. Sorry.....
Tao lang din naman ako ha? Oo NAGPAPAKATANGA ako kay Daniel. Hindi yun yung masakit eh. Parang mas masakit yung ngayon. Yung pati kaibigan mo. Nagsasawa na sa KATANGAN at KABOBOHAN mo. Sakit eh.
Paula... April.... Sino susunod? Sabihin nyo lang para naman mapaghandaan ko. Hindi yung ganito.
Sorry sa katangahan ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mas hard kapag kaibigan yung nagsabi :'(
BINABASA MO ANG
My Unwanted Bride [KathNiel] (REVISING)
FanfictionKailan mo nasabing matapang ka na sa "pag-ibig"? Nuong bang, pinakawalan mo siya dahil hindi ikaw ang mahal niya? O nuong lumaban ka ng mag-isa para sa nararamdaman mo? Desperada ang tawag sa kanya, minsan tanga din. Cause she is willing to be HIS U...