My Unwanted Bride
Chapter 28
[3rd Person's POV]
Nasa ospital silang lahat dahil si Julia......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Muntik ng mabaril. Oo. MUNTIK lang dahil si KING ang natamaan. Dumating si King noong ikinasa na ni Crystal ang baril ngunit naharangan agad ito ni King kaya sya ang natamaan.
Nasa Emergency roon si King ngayon dahil natamaan sya sa may kaliwang braso.
Habang si Julia naman ay hindi matigil sa paghahagulgol. Pakiramdam nya, siya ang may kasalanan ng lahat. Hiniling nya na sana sya na lang ang nabaril.
"Julia, tahan na. Wala kang kasalanan. Ssshh. Wag mong sisihin ang sarili mo."-paglilift ni Kathryn sa kaibigan. Mabuti nalang at hindi nagtamo ng mga malalang sugat sina Kathryn.
"Nasaan si King? Nasan sya? Nasan ang anak ko?"-umiiyak na sabi ng ina ni King. Halatang alalang alala ang ina ni King. Sino nga bang hindi diba?
"Nasa E.R pa po sya. Pasensya na po kayo ha."-sagot ni Xyra.
Napalingon si Julia sa ina ni King. Magkamukhang-magkamukha ito. Humihikbi hikbi pa si Julia. Yumuko ulit ito dahil hiyang-hiya itong ipakita ang mukha nya. Inuulit ulit nya sa sarili nya na sya ang may kasalanan ng lahat. Ikinakahiya nya ang sarili nya.
"Ikaw ba si Julia?"-tanong ng ina ni King. Hindi sumagot si Julia dahil hiyang-hiya pa rin sya.
"Siya nga po."-si Mabry na ang sumagot para sa kanya.
Natakot si Julia. Na baka sampalin sya ng ina ni King. Na baka sisihin sya nito pero....
Bigla nalang syang niyakap ng ina.
"Alam kong pakiramdam mo ay kasalanan no lahat ng ito pero hija nagkakamali ka. Ginusto ni King na iligtas ka kahit na sariling buhay nya pa ang kapalit. Wag mong sisihin ang sarili mo hija at wag kang umiyak. Pagagalitan ako ni King kapag nalaman nyang umiiyak ka. Sabi nya sa akin. Kahit anong mangyari wag kang iiyak. Kasi nagkamali sya kay Crystal. Ikaw daw kasi ang mahal nya. Natorpe sayo."
BINABASA MO ANG
My Unwanted Bride [KathNiel] (REVISING)
FanfictionKailan mo nasabing matapang ka na sa "pag-ibig"? Nuong bang, pinakawalan mo siya dahil hindi ikaw ang mahal niya? O nuong lumaban ka ng mag-isa para sa nararamdaman mo? Desperada ang tawag sa kanya, minsan tanga din. Cause she is willing to be HIS U...