CHAPTER THREE

2.6K 112 2
                                    

"YOU ARE so stupid! Hindi mo sinunod ang protocol ng opisina!" singhal ng supervisor ni Kaye. When it rains, it really pours talaga ang kamalasan sa buhay ni Kaye. Ilang araw na siyang nale-late dahil kay Dem. Napapahaba ang sagutan nila at hindi niya namamalayan ang oras dahil patuloy pa rin siya sa paggigiit na humingi ng tulong dito.

Dapat ay tumigil na siya pero hindi niya magawa. Alin? Pagkatapos na lang ng paghihirap niyang i-summon ito ay titigil lang siya? Ah, hindi iyon puwede. Kailangang may mapala siya kesehodang habang buhay niya itong ikulong. He's a demon anyway. He'll never die. Ni hindi nga ito nagrereklamo kung gutom, pagod, uhaw at ngalay. Nagrereklamo lang ito tungkol sa pagkakakulong!

At dahil nga madalas siyang late, madalas din siyang napagiinitan ng supervisor. Tapos ngayon ay nagkaroon pa siya ng problema sa natanggap na tawag. Hindi siya maintindihan ng client na nagpapatulong sa pag-troubleshoot ng computer nito at nang mapansin ang accent niya na isa siyang Asian, pinagmumura siya. Nagkataong racist pa ang caller. Sinabihan siya ng stupid, idiot at kung anu-anong masasakit na salita.

May SOP ang kumpanya na kapag ganoon ang client na nakakausap ay automatic na ipapasa nila iyon sa iba. Ang nangyari sa kanya ay kamalasan. Nagkataong nag-hang ang computer niya at hindi niya iyon nailipat. She was stuck to the lunatic caller. Hindi niya natagalan dahil tao lang siya na nasasagad din ang pasensya at patong-patong na stress, sa huli ay bumigay siya. Sinagot din niya ang siraulong caller at nakarating iyon sa supervisor niya.

Kaya hayun siya, sinasabon ng supervisor with matching banlawan pa. Patuloy ito sa pagi-speech ng mga hindi makain na salita habang hinihintay nila ang memo galing sa HR. Kung gaano kadali ang pumasok doon, ganoon din kadaling mag-suspendi o magtanggal ng tao. Palibhasa, maraming reserved agents ang mga ito kaya ganoon kadaling magpalit ng tao.

"Finally!" naiinis na bulalas nito ng dumating ang secretary bitbit ang isang folder. Alam na niya ang laman noon kaya hindi na nagtaka si Kaye ng matapos pirmahan iyon ni supervisor ay ibinigay iyon sa kanya. Isang memo iyon na nagsasaad na suspendido siya sa loob ng isang linggo. "Now, get out!" asik nito at napabuga ng hangin.

Lulug-lugo siyang lumabas ng opisina at kinuha ang mga gamit. Umuwi na siya. Lutang na lutang. Ni hindi na niya napansing nakauwi siya at sinasabayan ni Sing, ang bumbay na inutangan niya para mailibing ang tiyahin. Dito niya hiniram ang pinangbili ng lupa para sa libingan at mga nagastos nila sa chemo.

"Kaye, ano? Ikaw ba bayad na ng utang?" ani Sing saka napalatak. Gaya ng supervisor niya ay binungangaan din siya nito kesehodang amoy curry ang hininga. Gusto ng iuntog ni Kaye ang ulo dahil sa patong-patong na kamalasang iyon. "Ang tagal-tagal na ng utang mo. Babalikan kita sa isang buwan. Dapat, buo mong ibigay ang bayad. Kapag hindi, kukuha na ako ng mga gamit mo," banta nito saka siya iniwanan.

Nanghina si Kaye. Next month! Papaano ang upa niya kung ito ang uunahin niya? Ten thousand lang ang sahod niya dahil na rin sa dami ng loans na binabayaran. Mamasahe pa siya pagpasok sa opisina. Kakain pa siya. Muli, nanghina na naman si Kaye sa patong-patong na gastos. Wala sa sariling pumasok si Kaye sa bahay at hindi napansin ang pagbubunganga ni Dem.

"Ano? Nakapagisip ka na ba? Are you really—hey. What happened to you?"

Hindi pinansin ni Kaye si Dem. Dire-diretso siya sa kuwarto at doon inilabas ang lahat ng sama ng loob. Iniiyak na lang niya ang inis hanggang sa makatulog. Nagising na lang siya dahil parang lumindol. Napamulagat siya at nakiramdam. Nanlaki ang mga mata niya ng mag-vibrate ang sahig!

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Bitbit pa niya ang paboritong unan na si smiley. Bilog iyon na kulay yellow. Kahit may ratik na sa katagalan, paborito pa rin niya. Paglabas niya ng kuwarto ay nakita niya si Dem pala ang dahilan ng pagyanig. Tumatalon ito at pinipilit na sinisira ang seal!

LEGENDARY DEVILS BOOK 1: THE ACCIDENTAL HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon