"HINDI MO ito sinabi sa kanya," malamig na saad ni Elmer ng matapos niyang iguhit ang inverted pentagram. Ayon sa itim na libro na nakuha nito sa kaibigang pari, iyon ang kailangang simbolo para maisara ang gate ng Avernus. Magsisimula na sila ng sermonyas dahil iyon na ang gabi ng full moon, ang araw ng kasal nila ni Kaye.
Nasa harapan sila ng bahay ni Elmer kung saan siya nakita nito. Isa iyon sa instruction kung papaano isasara ang Avernus. Kailangang ganapin iyon mismo kung saan lumabas ang ascended demon. Swerteng kita ang buwan doon kaya kumpleto ang sermonyas at magiging epektibo iyon lalo na't iyon ang magiging kapalit ng kanyang... buhay.
"Hindi ko nagawang sabihin. Papaano ko magagawa? Pinanghihinaan ako ng loob sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya at pagasa? Papaano ko sisirain ang positibo niyang pananaw na magiging maayos ang lahat? Kanina, gusto ko ng sabihin pero makita ko pa lang ang mga mata niya... shit. Ang hirap!" hirap na bulalas niya saka napahagod sa mukha. Taas baba ang dibdib niya at umaasang gagaan iyon sa ganoong paraan pero bigo siya...
"Kung may mangyayari sa akin, pakibigay na lang ito sa kanya," malamig niyang sagot kay Elmer at ibinigay ang puting envelop. Alam niyang malabo na rin siyang makabalik ng buhay sa gagawin at iyon lang ang paraang alam niya para makapagpaalam kay Kaye.
Damn. Magpaalam? Ni hindi nga niya iyon nagawa ng maayos. Papaano ba niya iyon magagawa? Ngayon niya napatunayan na hindi 'sorry' ang pinakamahirap sabihin kundi 'goodbye'. Saying goodbye was like breaking Kaye's heart and it was so damn hard for him to do that.
Aminadong naging duwag siya. Ni hindi niya iyon nagawang sabihin ng harapan kay Kaye. He knew she would be really devastated. Maisip pa lang iyon ay nadudurog na ng husto ang puso niya at hindi niya iyon kayang makita. Natatakot din siya na manaig ang damdamin niya at huwag ng gawin iyon para magkasama sila nito—bagay na hindi naman puwede dahil hindi naman sila puwedeng magtago habangbuhay...
Pero sa kabilang banda, alam niyang iyon lang ang paraan para hindi na ito madamay pa. Kilala niya si Kaye. Matigas din ang ulo nito. Alam niyang oras na malaman nito ang totoo, gagawa ito ng paraan para makatulong kesehodang kahit sino na ang mai-summon. At hindi niya hahayaang ibuwis pa nito ang buhay. Bago pa nito gawin iyon ay gagawa na siya ng paraan para mawala ang mga banta nito sa buhay kahit ikamatay pa niya...
Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ni Elmer bago nito kinuha ang sobre at ibinulsa. Malungkot itong nakatingin sa kanya at pailing-iling. "Dem, magagalit si Kaye sa gagawin mo,"
Napayuko siya at napatango. "I know," anas niya. Ang bigat-bigat noon sa dibdib niya. Maisip pa lang niya kung gaano na iyon kahirap kay Kaye, nasasaktan na siya.
Gayunman, inisip na ni Dem na iyon ang pinakatamang gawin. In order to have peace, he needed to go. But before that, he needed to secure everything.
"Alright. Let's first summon Deumos," pigil hininang saad niya saka lumuhod na. Si Elmer naman ay naglagay ng asin sa paligid nito para hindi ito magalaw ng demon na dadating. Kagaya ng naging spell ni Kaye noong tawagin siya, iyon din ang ginamit niya para matawag si Deumos.
"I call upon a demon to be sent up from hell, make them a watcher of this irrevocable spell..." anas na dasal ni Dem. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy. Kinakabahan man sa gagawin, nilakasan pa rin niya ang loob.
Nahigit ni Dem ang hininga ng humangin ng malakas. Pagmulat niya ng mga mata ay nandoon na si Deumos sa harapan. Naka-anyong unano ito pero unti-unti rin itong nag-transform dahil sa pulang usok nakapalibot dito. Napalunok si Dem ng magkatawang demon na ito.
At kitang-kita ang gigil nito sa kanya. Matatalim ang titig ng dilaw nitong mga mata sa kanya. Umaalingasaw din ang nabubulok na amoy nito. Halos maubo na sila ni Elmer sa lakas noon. Gayunman, hindi niya pinansin iyon. Agad siyang umusal ng spell para sa panandaliang pagkaka-seal ng kapangyarihan nito.
BINABASA MO ANG
LEGENDARY DEVILS BOOK 1: THE ACCIDENTAL HERO
Misterio / SuspensoPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES SINGLES. "She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how bad he was, she still accepts him how tainted he was..." Kapit sa patalim si Kaye dahil sa patong-pa...