"Malungkot ka na naman. Uminom ka naman at mag-enjoy. Na-promote ka na nga, mukha ka pa ring namatayan," nakangiting untag ni Harold kay Kaye. Napaigtad pa si Kaye dahil nawala na naman ang focus niya sa mga kasama. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Milly. Nagkayayaan sila doon. Na-promote siya bilang Team Leader dahil sa ganda ng performance.
Dahil wala naman siyang kasamang magce-celebrate ay pumayag na siya. Nag-suggest si Milly na sa unit nito ganapin iyon dahil malapit lang iyon sa Sonics. Isa pa ay kakaiba ang panahon ngayon. Kalat sa balita na talamak ang nakawan, patayan at kung anu-anong krimen. Nag-take out na lang sila ng pansit at inihaw na manok. Ang beer naman ay sagot ni Harold.
Halos isang buwan na ang lumipas magmula ng mawala si Dem. Isang linggo naman ang nakakalipas magmula ng lumindol. Umabot ng dalawang araw silang walang pasok dahil inayos pa ang mga poste at system ng kumpanya. Nang maging okay ay pinapasok na rin sila. Sa kabila ng pagaalala kay Dem ay naging masigasig pa rin si Kaye. Nagpatuloy pa rin ang buhay niya. Aaminin niya, nalulungkot pa rin siya sa tuwing naalala ang lalaki. Kadalasan, nauuwi iyon sa pagiyak niya bago matulog.
Marami siyang regrets at hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya ang pagiging judgemental. Pinagsisisihan din niya na hindi nasabi kung gaano ito kamahal. Sa pagtakbo ng mga araw ay unti-unti niyang nare-realize hindi lang kung gaano iyon kalalim at katindi kundi wala na rin siyang pakialam kung anuman si Dem. She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how bad he was, she still accepts him how tainted he was...
At alam ni Kaye na hanggang mamatay siya ay mananatili ang damdaming iyon para kay Dem. Too bad she couldn't say those words to him. Anuman ang gawin niyang orasyon, bali-baligtarin man niya ang mga iyon, pumatay man siya ng maraming itim na pusa at gamitin ang dugo noon para sa ritwal, pointless lang dahil hindi na dumadating si Dem...
"Pansin ko, lagi kang nagiisip at nalulungkot. Masaya ka pero... kapag nagiisa ka o walang nakakapansin, natatahimik ka at napapaisip. Puwede mong sabihin sa akin kung ano ang problema mo," mahinang untag ni Harold sa pananahimik ni Kaye.
Lihim siyang napabuntong hininga. Obvious ang special treatment ni Harold sa kanya at hindi siya manhid para hindi maramdaman na mayroon itong gusto sa kanya. Noong ihatid siya ay panay ito paalala na magingat siya dahil nagiisa lang sa unit. Panay lang ang tango niya dahil si Dem ang laman ng isip niya noon. Gayunman, obvious din naman ang sagot ng puso niya: wala siyang nararamdaman dahil hawak ni Dem ang puso niya...
Kimi siyang ngumiti at umiling kay Harold. "Wala. Napagod lang ako. Mauuna na ako sa inyo, ha. Enjoy lang kayo. Kung kulang, heto ang budget. Bili na lang kayo ng barbeque o kung anuman ang gusto ninyo," aniya saka naglabas ng limang daan.
Napaungol sina Milly. Natawa naman si Kaye. Pinilit niyang pasiglahin ang itsura para hindi siya usisain sa kalungkutan. Nagpilitan sila ng nagpilitan hanggang sa wala ding nagawa ang mga kasama niya. Natatawang nagpaalam na lang siya.
"Ihahatid na kita," ani Harold at nagpauna na. Napabuntong hininga na lang si Kaye na sumunod. Pagdating sa labas kung saan naka-park ang sasakyan ng kuya ni Harold ay minabuti niyang tapatin ito.
Huminga ng malalim si Kaye bago nagsalita. "Harold, pasensya ka na, ha. Ako na lang ang uuwi. Dito ka na lang,"
Masuyo itong ngumiti. "Kaye, okay lang. Gusto ko rin namang gawin ito..."
"Harold..."
Natawa ito ng alanganin at napahagod sa buhok. "Gusto na rin kitang tapatin. Kaye, gusto kita. Kundi ka pa handa, maghihintay naman ako at—"
BINABASA MO ANG
LEGENDARY DEVILS BOOK 1: THE ACCIDENTAL HERO
Mystery / ThrillerPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES SINGLES. "She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how bad he was, she still accepts him how tainted he was..." Kapit sa patalim si Kaye dahil sa patong-pa...