CHAPTER TWELVE

2.3K 92 1
                                    

"Ang mabuti pa, dumito muna kayo. Mas ligtas kayo ni Kaye dito," suhestyon ni Elmer. Napatango siya sa suggestion ni Elmer. Tama ito. Tingin niya ay mas ligtas sila doon dahil nasa loob mismo ng compound ng simbahan ang quarters ng kaibigan ni Father Armani. Hindi pa nga lang niya ito nakikita dahil ang sabi ni Elmer ay nag-attend ito ng kasal at bukas pa ang balik.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama dahil hanggang ngayon ay nanghihina pa rin siya. Ang sabi ni Elmer ay ganoon daw talaga iyon. Hindi biro ang lakas na naubos niya dahil nasaniban siya. Dalawang araw na siyang nagpapahinga at inaasikaso naman siya ni Dem. Hindi ito umaalis sa tabi niya.

Sa kabilang banda, tumawag na siya sa trabaho at nagpaalam. Pinayagan naman siyang mag-leave kaya wala siyang problema tungkol doon. Mag-file na lang daw siya ng leave form pagbalik niya.

Binalikan nila Dem si Deumos sa Recto pero wala na ito. Halatadong sinadya talaga ang lahat dahil wala na ang bookstore na pinuntahan niya. Ni walang naging bakas ang bookstore doon. Ang konklusyon nila: sinadya talagang magpakita ni Deumos sa kanya at umasang madadala siya ng demon soldier sa underworld—bagay na hindi nangyari dahil naligtas siya agad nila Dem.

Sa ngayon ay wala pang gumagambalang demons sa kanila. Mukhang nakatunog sila sa nangyaring exorcism at nasindak. Nasisiguro daw ni Dem na naramdaman ng ibang demons ang nangyayari sa kapwa demon.

"I agree." ayon naman ni Dem at hinaplos ang noo niya. Naginit ang puso ni Kaye sa nakitang pagsuyo ni Dem. Bumilis ang tibok ng puso niya. Nahigit niya ang hininga habang nakatitig dito.

"Okay. Ako naman ay pupunta sa bahay ng isa kong kaibigan na pari. Magtatanong ako ng tungkol sa demon na si Deumos. Mas eksperto siya pagdating sa ganito dahil sa pagkakaalala ko, may mga na-encounter siyang demonic possessions noong kabataan pa niya. Baka may maitutulong siya sa atin kaya sasadyain ko na siya," ani Elmer. Tinanguan ito ni Dem at umalis na ito.

Naiwanan silang dalawa ni Dem sa silid. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Kaye. Damang-dama niya ang mainit na presensya ni Dem.

"Are you okay?" anas ni Dem saka siya hinalikan sa noo. Tinagalan nito at natunaw ang puso ni Kaye.

Masuyo siyang ngumiti at tumango. "Oo naman. Kasama na kita, Dem. Okay na ako basta nasa tabi lang kita,"

Bahagya itong natawa saka pinisil ang ilong niya. "That's so sweet, Kaye. Kaya nga ganito kalakas ang loob ko ay dahil sa'yo," anas nito saka hinalikan ng ubod tagal ang kanyang noo. Matapos ay pumikit ito at isinandal ang noo sa noo niya. "Dahil sa'yo, makakaya kong harapin ang mga demons. Kailangan ko rin naman silang harapin. Hindi habangbuhay ay magtatago tayo. Kailangan, matapos ito." seryosong saad ni Dem.

Natigilan si Kaye at napatitig kay Dem. Kita niya ang determinasyon nitong harapin ang lahat. Dahil doon ay hinangaan niya ito. Kahit wala itong laban sa isang demon, handa pa rin itong harapin ang lahat.

Dahil doon ay nagaalala siya. "Pero papaano tayo lalaban?" kinakabahang tanong niya. "Wala na akong makitang spell sa internet. Wala na rin akong alam na puwedeng puntahan para hingan ng tulong,"

Nagkaroon ng kislap ng pagkaaliw sa mga mata ni Dem saka siya tinitigan. "Ang tungkol sa mga spell sa internet, kagagawan iyon ng demon—si Baldassare. He's making fun of people who wants to cast a demon. Ang totoo ay kulang ang mga impormasyon doon," paliwanag nito.

Nalito siya. "Kulang? Papaano nangyari iyon? Nai-summon naman kita?"

Ngumisi ito. "Because you accidentally put your pure blood on the materials. Isa sa mga ingredients sa pagsa-summon ay dugo ng birhen na babae," paliwanag nito.

LEGENDARY DEVILS BOOK 1: THE ACCIDENTAL HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon