"SIGURADO KA ba sa gagawin mo?" seryosong tanong ni Elmer kay Dem. Madaling araw na itong dumating at dala nito ang libro na siyang susi para maibalik niya ang mga demons sa underworld. Ibinigay iyon ng pari na kaibigan ni Elmer na pinuntahan pa nito sa Pampanga dahil doon na na-destino. Ipinaliwanag nito ang mga gagawin: isang delikadong paraan na alam niyang kailangan niyang gawin para matahimik sila ni Kaye.
"Oo. Sigurado na ako. Alam ko naman na walang ibang option kundi ito. Kundi ko ito gagawin, bukas o makalawa ay ganoon din ang mangyayari sa akin. Ang mahalaga, mawala ang mga demons na siguradong gugulo sa buhay ni Kaye," malamig na sagot ni Dem pero sa loob-loob ay tunaw na tunaw siya sa lungkot.
Ang dami na niyang nabuong plano para sa kanila ni Kaye. Oras na matapos ang gulo, tutulungan niya nito. Hawak pa rin naman niya ang tatlong singsing niya. Alam niyang milyon ang halaga noon. Alam niyang makakapagsimula sila oras na maibenta iyon. Ayaw din naman niyang maging pabigat kay Kaye kaya nakahanda siyang ibenta iyon para makapagsimula sila ng maliit na negosyo. Isa pa ay ayaw na rin niya itong pumapasok sa call center dahil napupuyat lang ito. Mas magandang sarili na lang nito ang negosyo at wala pa itong magiging boss.
Pero papaano nila magagawa iyon kung nanganganib ang buhay nila? At papaano pa niya magagawa iyon kung kailangan niyang... mawala?
Napatikhim siya at isinara ang itim na libro. Kasya iyon sa bulsa niya sa dibdib at doon na iyon inilagay.
"Ikaw na ang bahala d'yan," ani Elmer saka napabuntong hininga. "Si Kaye—"
"Ako ang bahala sa kanya," malamig niyang sagot saka ito tinitigan. "Let me say this to her, okay?"
Muli, napabuntong hininga si Elmer at tumango. Inubos na niya ang kape at tumayo na. Bumalik na siya sa kuwarto at napahinga siya ng malalim ng makitang himbing pa ring natutulog si Kaye.
Tumabi siya rito at naginit ang puso niya ng automatic itong umunan sa dibdib niya. Pigil-pigil niya ang hininga. Ayaw niya itong magising kaya halos hindi siya makagalaw. Dahan-dahan ang naging kilos niya hanggang sa nakuhang yakapin ito ng mahigpit.
Damn. He didn't want to let her go. He didn't want to leave her. All he wanted to do was to be with her until the last drop of his life...
But it just so sad that there are things didn't happen the way they want them too. Napahawak si Dem sa itim na libro sa dibdib. Naiintindihan niya ang sinabi ng pari kay Elmer: mapatay man niya ang lahat ng demon na darating sa mundo ng mga tao ay wala pa rin iyong katapusan.
Magkakaroon lang ng katapusan ang lahat kung maisasara ang pinto ng underworld: ang Avernus. Maisasara lang iyon kung mawawala lang siya dahil siya ang dahilan ng pagbubukas noon. At kailangan niya iyong gawin sa kabilugan ng buwan na mangyayari sa katapusan ng buwan.
Papaano niya iyon sasasabihin kay Kaye? Linggo na lang ang bibilangin bago ang full moon. Ah, hindi niya alam kung papaano. Nanghina siya at niyakap ng mahigpit si Kaye. Sana, magkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ang buong katotohanan dito.
Katotohanang alam niyang ikagagalit ni Kaye ng husto...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
LEGENDARY DEVILS BOOK 1: THE ACCIDENTAL HERO
Mystery / ThrillerPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES SINGLES. "She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how bad he was, she still accepts him how tainted he was..." Kapit sa patalim si Kaye dahil sa patong-pa...