Napasinghap si Kaye nang buhatin ni Dem. Awtomatikong naipalibot niya ang mga braso sa leeg nito. Ramdam ni Kaye ang bahagyang pagtigas ng katawan ni Dem dahil sumiksik siya sa dibdib nito. Ah, ang sarap talaga sa pakiramdam na mayakap ulit si Dem. She thought she could stay that way forever.
Naramdaman na lang ni Kaye ang pagsayad ng likuran sa kama pero ayaw pa rin niyang pakawalan si Dem. Napabuntong hininga ito. "Kaye, let go." anas nito.
"No..." luhaang anas niya at hinagilap ang mga mata nito. Napasinghap siya ng makatitigan si Dem. Dahil sa pagkakalapit nila, doon niya napansing hindi na dilaw ang mga mata nito. Maiitim ang mga iyon. Normal na mata ng isang... tao. "A-Ano'ng nangyari sa mga mata mo?" takang tanong niya.
Nagiwas ito ng tingin. Muli, pinilit niyang hagilapin ang mga mata nito at nahigit niya ng hininga ng tumayo ito.
"Aalis na ako. Lock the door—"
"Dem!" desperadong awat niya at napahagulgol sa palad. Aalis na naman ito! Iiwanan na naman siya! Hindi iyon puwede! Masisiraan na siya ng ulo kapag ginawa pa nito iyon! "Huwag mong gawin 'to, please!" luhaang bulalas niya.
Desperadong napahagod ito sa mukha at napabuga ng hangin. "Hindi ako puwedeng magtagal dito!"
"I'm sorry, okay?" luhaang bulalas niya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil alam niyang galit lang ito sa kanya kaya ayaw siyang samahan. At hindi na niya sasayangin ang pagkakataon. Habang nandoon ito, sasabihin na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.
"Dem... nagsisisi na ako sa mga sinabi ko... please... patawarin mo na ako... h-hindi ko gustong saktan ka... sorry kung pinagisipan kita ng masama..." nagsisising pakiusap niya. Durog na durog ang puso dahil sa sobrang sama ng loob at pait.
Luhaang tinitigan niya ito. "Dem... na-realize ko ang lahat magmula ng mawala ka... m-mahal kita... kahit demon ka... kahit saksakan ng sama ang ugali mo... kahit sinalo mo na ang lahat ng negatibong damdamin... mahal pa rin kita... mamahalin pa rin kita kahit ano ka pa..." luhaang amin niya.
"Kaye..." hindi makapaniwalang anas ni Dem.
Napaiyak siya sa mga palad. Hindi na niya maampat-ampat iyon. Pakiramdam ni Kaye ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya dahil sa ginawang pagtatapat.
"Dem... please... huwag ka ng umalis..." luhaang pakiusap ni Kaye saka ito tinitigan. "G-Gawin ko ang lahat para mapatawad mo ako... please... bigyan mo ako ng chance na makabawi... g-gawin ko ang lahat..." luhaang pakiusap niya.
"Oh, damn..." nanghihinang anas ni Dem at napahilamos sa mukha. Napasinghap siya ng mabilis itong lumapit sa kanya at kinabig! Napahagulgol si Kaye sa dibdib ni Dem. Pakiramdamni Kaye ay naabot na niya si Dem...
"Dem..."
"Please, stop crying..." masuyong anas ni Dem. Nahigit ni Kaye ang hininga ng higpitan pa ni Dem ang yakap sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay nabuo siya sa higpit ng yakap nito. "And you don't have to do all that... Hindi mo kailangan ng chance, Kaye. Hindi mo kailangang gumawa ng paraan para may mapatunayan sa akin. Tama na sa akin na marinig na mahal mo ako. Masaya na ako doon,"
Kumabog ang dibdib ni Kaye. "Dem..." anas niya at tinitigan ito. Napalunok siya ng makita ang matinding lungkot nito. Doon din niya napansin ang malaking pagbabago nito. Bukod sa kulay ng mga mata, wala na rin ang amoy sulfur at madilim na aurang nararamdaman mula kay Dem.
Bukod doon, mukhang naging gentle si Dem. Nawala ang roughness nito sa pagsasalita at kataliman sa mga mata. She could see sympathy, empathy, guilt, pains and feelings in his eyes. Dem seemed could feel everything. At walang struggle sa mga mata nito na pinaglalabanan bilang demon. Kusa iyong lumalabas at nararamdaman ng lalaki.
BINABASA MO ANG
LEGENDARY DEVILS BOOK 1: THE ACCIDENTAL HERO
Mistero / ThrillerPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES SINGLES. "She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how bad he was, she still accepts him how tainted he was..." Kapit sa patalim si Kaye dahil sa patong-pa...