Ride #42: Let me be the one

129 5 0
                                    

Sky Hime’s POV

“Suko na siya sa akin.” Bulong ko sa sarili ko.

[ A/N Pleas play the song on the side. ^.^V ===>]

*sigh* Ni hindi man lang niya ako hinabol. Ano bang aasahan ko? Malayo-layo na rin ang nalakad ko. Ayokong tumakbo dahil pakiramdam ko kapag tumakbo ako bibigay na ang puso ko. Hindi ko na alam kung nasaan na ako tumingin ako sa paligid nandito pa rin ako sa loob ng FEU... ay alam ko pala ito, nandito pala ako sa lugar kung saan ko inaway si Cass, sa lugar kung saan officially nagstart ang fake relationship namin ni Raijin pero di tulad dati marami-rami ang tao nung mga oras na ‘yon kasi ngayon wala ni isa.

 *sigh* Ayoko na rin sanang umiyak kaya lang hindi ko kayang tumigil at dahil na rin sa sakit na nararamdaman ko sa may dibdib ko hindi ako makatigil sa pag-iyak sobrang sakit eh.... Sakit? Natawa ako ng mapakla. Oo nga pala may sakit ako bat ko ba nakalimutan ‘yon?  Napailing nalang ako at hinanap yung gamot ko sa bag at nang mahanap ko na yung bote na pinaglalagyan tinanggal ko na yung takip, kukuha na sana ako kaya lang may humatak sa braso ko dahilan para mapaharap ako sa isang tao at mabagsak yung bote ko at tumapon karamihan sa mga gamot.

Nag-angat ako ng tingin ko at nung makita ko kung sino ‘yon napayuko ulit ako at pinahid ang mga luha ko. Hindi ko siya kayang tignan. Si Raijin, siya ang humatak sa akin. Luluhod na sana ako para pulutin yung bote dahil may ilan pang gamot sa loob no’n na maari ko pang inumin pati na yung mga gamot na nasayang at dapat ng itapon.  Naabot ko na yung bote pero bago pa tuluyang makalapat yung tuhod ko sa sahig hinatak niya ako patayo na dahilan nanaman upang tumilapon ang boteng hawak ko. Ngayon wala na akong gamot!

“Ano ba?!” Inis ko siyang tinignan at iwinaksi ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mga braso ko.

“Y-yung nakita mo...mali yung nakita mo” Mahina niyang sabi.

“Sabi mo eh.” Saka ako yumuko ulit at mamumulot na sana ng mga maruruming gamot kaya lang sa pangatlong pagkakataon hinatak nanaman niya ako.

“Sinabi ng mali yung nakita mo eh!” Sigaw nanaman niya.

“Oo na naniniwala ako” Alam kong tumutulo na ulit ang mga luha ko. Peste talaga! Yumuko nalang ulit ako.

Iniangat niya yung mukha ko. “Maniwala ka naman!” sigaw niya. Teka bakit siya pa yata itong galit?!

“Naniniwala nga ako bat ba ang kulit mo?! Alam mo namang  kahit anong sabihin mo maniniwala ako! Kapag sinasabi mong you’re sorry naniniwala ako, kapag sinasabi mong ayos ka lang kahit hindi naniniwala ako, kapag sinasabi mong walang problema kahit meron naniniwala ako at ngayong sinasabi mong mali ang nakita ko maniniwala ako! pero kasi ang sakit pala dahil nung sinabi mong mahal mo ako naniwala ako. Ang tanga-tanga ko! Kasi naniwala ako sa’yo!” wala na akong pakialam kahit basang-basa na yung mukha ko.

“A-ano ba yang sinasabi mo mahal kita! Alam mo ‘yon!” Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

“Sige sabihin na nating naniniwala ako pero bakit..bakit  Raijin? Bakit mo nagawa sa akin ‘to matapos ng nangyari nung isang gabi –ay mali hindi ko pala dapat isisi sa’yo ‘yon kasi kasalanan ko, kaya lang bakit ganon alam kong napakagaga ko nung isang gabi pero... sana man lang sinabi mo...sinabi mo na ayaw mo na sa akin. Sana nakipaghiwalay ka nalang ng maayos hindi yung ganito na sa iba ko pa malalaman na ganito na pala yung nangyayari!” Napayuko siya

“Paano niya nalaman? Si Cass sabi niya walang makakaalam...” bulong niya pero sapat lang upang siya lang ang makarinig. Tumingin siya sa akin. “Pa-pa-paano mo nalaman?”

“Importante pa ba ‘yon? Raijin naman eh! Wag mong ibahin yung usapan pwede ba once and for all sabihin mo nalang sakin kung bakit? Kasi ang sakit sakit eh!Kaya sabihin mo na!”Pinaghahampas ko siya.

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon