Ride #61: Untold Stories

91 2 0
                                    

[SEOUL, S O U T H  K O R E A]

Raijin's POV

It has been four months simula ng iwan ako ni Sky. Malapit na mag-start ang next sem  pero heto ako nasa isang bansang hindi ako pamilyar habang umaasang mahanap ang babaeng paulit-ulit kong nasaktan ngunit di nagsawang mahalin ako.

I took her for granted at pinagsisisihan ko yon. Sobra.  Kung bibigyan ako ng pagkakataong makita siyang muli hindi ako magsasayang nang oras at itatama ko ang mga pagkakamali ko.

Sana hindi pa huli…

Patawid na ako sa malaking kalsada sa Seoul nang marinig ko ang pangalan ni Sky sa malaking LCD TV na nakakabit sa isang gusali. Tumingala ako at natigilan ako pagkakita ko sa kanya.  Mukhang mas healthy na siya kesa nung huli kaming magkita. Napangiti ako nang makita kong muli ang mga ngiti niya pero agad din iyong napawi nang makita ko kung sino ang katabi niya at nakahawak sa kamay niya. Para silang nasa isang interview. Hindi ko man maintindihan ang lenggwaheng sinasalita nila nagpapasalamat naman ako sa subtitle na nasa may bandang ibaba ng screen.

“Is it true that the legendary Sky Hime Park and Jino Park, after being MIA for a long time are getting married?” Tanong nung Host.

Kahit na alam ko yung sagot para pa ring pinipiga ang puso ko habang hinihintay ang magiging sagot nila. “Yes,we are.” Si Jino ang sumagot. Nagsigawan ang mga audience.

“And may we know when is the Big day?” Halatang kinikilig na tanong ulit nung host.

Ngumiti si Sky at siya naman ang sumagot. “We can't give you the details yet, but I assure everyone that it is very very soon.” Yun lang ang isinagot niya pero yung audience hindi magkamayaw sa pagtitili at pagsigaw.

Ibababa ko na sana ang tingin ko to spare me the pain of seeing the one I love with someone else while confessing about their future plans. Pero kung napako ako sa kinatatayuan ko kanina nang makita kong muli ang ngiti ni Sky para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sumunod na tinanong ng host.

“And is it true, Sky? That you are going to be a mother soon?"

Long defeaning silence. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang magiging sagot niya. May isang parte ng isip ko na nagsasabing sana hindi ang isagot ni Sky.

Bigla siyang ngumiti. Ngiting tanda na tunay siyang masaya. Parang gumuho ang mundo ko nang sabihin niyang "Yes".

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa naging sagot niya hindi lang ang mga audience sa set kundi pati rin ang mga taong nasa paligid ko.

Lahat masaya para sa kanilang dalawa maliban sa akin. T@ngina lang. Nanigurado na si Jino na wala ng kawala si Sky. Napangiti nalang ako ng mapait.

"When is the exact---" Pagtatanong muli ng host. Pero hindi ko na binasa pa ang mga sumunod nilang pinag-usapan.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone kong nasa bulsa ko. Kinuha ko ito at unknown number ang nakalagay. Sinagot ko at ang bumungad sa akin ay ang boses ni Reika.

"Kuya! Nasa hotel ka ba? Kung nasa hotel ka 'wag ka magbubukas ng TV or kung nasa labas ka naman 'wag ka bibili ng magazine or newspaper sabi kasi di wholesome yung mga palabas at mga balita at saka---"

"Reika," putol ko sa walang tigil niyang pagsasalita. "Alam ko na, 'wag kang mag-alala okay lang ako." Saka ako ngumiti ng pilit kahit alam ko namang 'di niya ako nakikita.

"Hah?! Ah eh gusto mo ba puntahan kita jan? Or uuwi ka na?" 'Di mapalagay na tanong niya.

"Magpapalipas lang ako ng ilang araw tapos uuwi na rin ako. 'Wag mo na akong intindihin."

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon