Ride #56: The Unbearable Truth

95 7 6
                                    

Sky Hime's POV

Nagising ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa kaliwang balikat ko. Sa amoy palang ng lugar na ito alam ko na kung nasaan ako- sa hospital. Mas napabilis ang pagmulat ng mata ko nang magulat ako sa tunog ng marahas na pagbubukas ng pinto. Pagtingin ko sa gawi ng pinanggalingan ng tunog nakasalubong ko ang mga tingin ni eomma. Patay!

Paglapit niya akala ko pa naman tatanungin niya kung kamusta na ako pero imbis ang ginawa niya ay hinampas-hampas ang balikat ko. At take note! Yung kaliwa pa talaga! Habang nagsisisigaw. " Ang tanga-tanga mo! Ang Tanga-tanga mo! Ano na naman tong kalokohang pinasok mo?!" Ang sakit ng hampas niya kaya lang gustuhin ko mang pigilin siya di ko magawa parang di pa rin kasi nanunumbalik ang lakas ko, kaya pumikit nalang ulit ako ng mariin.

Tahimik nalang sana akong maghihintay na matapos ang 'Three-Minutes-Hampas-Craze' ni eomma kapag galit siya sa akin. Pero wala pa yatang isang minuto wala ng humahapas sa akin. Pagmulat ko nakita ko si Jino na pinipigilan si eomma.

"Tita tama na po, may tama po ng bala si Hime at ka-aayos lang po ng benda niya."

"Hindi, Jino hayaan mo ako!  Baka sakaling sa mga hampas ko magising na ang batang yan sa kahibangan niya!" Nagpupumiglas pa rin si eomma pero buti nalang mas malakas si Jino.

"Tsaka isa pa po..." Sabi ni Jino at mas lumapit siya kay eomma. At kung ano man ang ibinulong niya kay eomma hindi ko na alam. Pero kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni eomma.

"Totoo ba 'yan, Jino?" Hindi makapaniwalang tanong ni eomma. Ewan ko kung napakalma niya si eomma sa mga sinabi niya o nanghina lang talaga si eomma sa kung ano ang nalaman niya.

"'Yon po ang sabi ng doctor." Tapos binitawan na siya ni Jino.

"Ikaw talagang---!"Napapikit nalang akong muli ng akmang hahampasin ako ulit ni eomma pero ilang segundo na ang lumipas wala pa ring tumatama sa akin, kaya iminulat ko ang mata ko at nagulat ako ng makitang umiiyak si eomma habang ang kamay niyang ihahampas niya dapat sa akin ay nabitin nalang sa ere.

"Jino, iho, pwede bang iwan mo muna kami." Mahinang pakiusap ni eomma.

"Opo" At lumabas na rin agad siya ng kwarto.

"Bata ka, ano bang maling ginawa ko at ganito ang ginagawa mo sa buhay mo? Ang bata-bata mo pa andami mo na agad pinagdaanan. Ano bang gusto mong nangyari?" Napahawak si eomma sa sentido niya at saka nagpabalik-balik na naglalakad sa gilid ko habang bumubulong-bulong.

"Tama! Tama pagkadischarge na pagkadischarge mo pupunta na tayo ng Amerika! Yon ang pinaka mainam na gawin."

"Pero ma! Paano yung usapan nating dalawang buwan? Nangako ka!"

"Wala akong pakialam! Basta lahat gagawin ko para sa ikagaganda ng buhay mo! At hindi 'yon mangyayari kung nandito ka sa Pilipinas!" Pinindot ko yung switch para umangat yung bandang ulunan ko at medyo nakaupo ako para mas makita ko si eomma.

"Tama ka eomma! Lahat gagawin mo para sa ikagaganda ng buhay ko pero kahit minsan wala kang ginawa para sa ikasasaya ko! Basta! Dito lang ako! Galit sa akin si Raijin at hindi ko matatanggap 'yon. Sabi ko naman sa'yo pagkatapos ng 2 buwan gawin mo na ang gusto mo pero habang wala pa 'yon, ako pa rin ang magdedesisyon!"

"Don't push me to my limit, Sky Hime! For God's sake engage na yung tao! Tantanan mo na siya!"

"And it's all your fault!" Bulyaw ko naman.

"Yes it is! So what? I thought that's all it takes for you to leave him and come with me and have your treatment! But look at you now! Kinain na din ba ng pagmamahal na sinasabi mo ang respeto mo sa sarili mo? I don't know what the whole story is, but one thing is for sure! Kaya ka nandiyan ngayon ay dahil kay Raijin na naman! Sa kanya lang naman nag-uugat ang mga pasakit mo! Sorry pero this time hindi na kita mapagbibigyan sa gusto mong mangyari!"

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon