Ride #40: Do me...

141 6 2
                                    

Sky Hime’s POV

“Ayoko! Ayoko! Ayoko!” Simula ng lumabas ako ng bahay namin wala na akong tigil sa pagtakbo kasabay ng mga luha kong wala na ring tigil sa pag-agos.

Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya! Hindi ba’t parang sobrang bilis naman yata? Si Raijin paano na siya? Paano na kami? Basta ayoko! Alam ko namang balang araw kailangan ko ring palayain si Raijin pero bakit gano’n? Tumingala ako sa langit. “Bakit parang sobrang bilis naman yata!” tanong ko sa kalangitan umaasang may isang tao o nilalang na makakarinig sa akin. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao.

Pinagilan ko lang ang mga luha ko at pinunasan ang basang mukha ko ng makarating ako sa gusto kong puntahan.

“Kuya, pwede po ba akong pumasok?” Tanong ko sa guard ng subdivision nila Raijin at Jino.Tumango naman siya. Buti nalang yung mabait na guard ang naka duty.

Pumasok na ako balak ko sanang puntahan yung playground na pinupuntahan ko kapag malungkot ako pero mas nangibabaw ang pagkagusto kong makita si Raijin. Kaya dumeretso ako sa bahay nila nagdoorbell ako at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Sinalubong ako ng mommy ni Raijin.

“Oh hija napadalaw ka. Gabi na ah” bati niya sa akin.

Nagmano ako at nag bow. “Hello po pasensya na po kung gabi na akong dumalaw pwede ko ho bang maka-usap si Raijin?”

“Aba syempre naman.” Sabay ngiti niya sa akin.

“Salamat po. Magandang gabi po Mr. Takano” bati ko sa papa ni Raijin.

“Magandang gabi rin Sky” at kita ko ang gulat na ekspresyon niya ng madatnan niya ako sa may tapat ng pintuan.

“Honey, Bakit nakabihis ka may kailangan ka nanaman bang asikasuhin.” Tanong ni Mrs. Takano sa asawa niya.

Tumingin muna ito sa akin bago sumagot. “Ah Oo, Honey, may kailangan lang akong kausapin.”

“Oh sige mag-iingat ka.”

Nang makalabas na si Mr. Takano iginiya na ako ni Mrs. Takano papasok.

“Kumain ka na ba?” tanong niya

“Opo.” Pagsisisnungaling ko.

“Ah kung ganoon puntahan mo na si Raijin sa kwarto niya kakaakyat lang din niya.”

“Salamat po ulit.”

Halos takbuhin ko na paakyat ang hagdanan nila dahil ano mang oras mula ngayon alam kong tutulo na nanaman ng walang tigil ang mga luha ko.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya at pagbukas na pagbukas ng pintuan niya ay niyakap ko siya ng sobrang higpit.

“Hey hey hey miss mo na agad ang kagwapuhan ko parang hindi tayo magkasama kanina ah.” He jokingly said. Hindi ako sumagot at humagulgol lang sa dibdib niya. Nung mapansin niyang wala akong kahit na anong sinasabi nagsalita siyang muli.

“Hey why are you crying? Anong problema?” Pinipilit niyang alisin ang pagkakapulupot ng mga kamay ko sa kanya pero hindi ko kayang bumitaw pakiramdam ko kapag bumitaw ako malalaglag ako sa sahig kaya mas lalo ko pang hinigpitan.

“Raijin.Ayoko! Ayoko! Ayoko!” paulit-ulit kong sabi sa pagitan ng mga hikbi ko.

“Ano ang ayaw mo? Teka nga lang ano ba ang problema? Ha?”

Tumingala ako sa kanya.

“Raijin Ayoko! Please take me somewhere. Somewhere far away from here. Please!”

“Sssh. Stop Crying. Nandito ako pwede mo sabihin sa akin ang problema.”

“ Basta Ayoko! Ayoko! Ayoko!”

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon