Ride #4: Her Pleading way & His Bright Idea??

372 8 3
                                    

Dedicated ito kay miss Alyloony..isa din siyang great writter sa wattpad..idol din ng marami..ay mali nang sobrang dami pala..hahaha..mabait at cute sa personal..hahaha..read her stories marami kayong matutunan.ILOVEYOUPO miss ALY..<3

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raijin's POV

“Nak nang!!! Bakit ka umiiyak?!” sabi ko…leshe naman oh…ano namang ginawa ko?..-__-

ano naman kayang nasa isip nang isang to at bigla nalang iiyak sa kalsada

"Pu-pu-pwe--" sabi niya habang tumutulo pa ung mga luha

"Ano??..pu-pu-pwe ka jan..magsalita ka nga ng maayos..tsaka bitawan mo nga ung jacket ko" sabi ko

yumuko siya.. at hindi siya sumagot ,di rin niya tinanggal ung hawak niya sa laylayan ng jacket ko..pero iniling lang niya nang ilang beses ung ulo niya ..tanda na ayaw niya talagang bitawan..

"Miss ano ba gusto mong mangyari?may klase pa ko at kailangan ko pang humanap ng masasakyan papunta doon dahil hindi nga eto ung babaan ko.." pangongonsensya ko sakanya..pero sinabi ko ng  mahinahon, may mga tao pa rin kasing nakatingin sa amin..

"Pwede ko bang hiramin ung jacket mo??"sabi niya

"Ano?!" sabi ko naman

"sabi ko kung pwede----"sabi niya

"oo narinig ko.."putol ko sa sinasabi niya

"narinig mo naman pala eh"bulong niya pero narinig ko naman

aba siya na nga tong nanghihiram ganyan pa

"bakit ko naman ipapahiram sayo ung jacket ko??"

"pangtatakip ko lang sa likod ko..sige na..wala kasi akong dalang kahit anong pangtakip"

"ano ko timang ??pagkatapos mo ko pagsisigawan..sa tingin mo ipapahiram ko to sayo??"

"sige na please may important event kasi ako ngayon di ako pede umabsent at maglalakad lang ako papuntang UST..malayu-layo pa yun.."sabi naman niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak

"hindi ko na problema yon no..mag tricycle ka kung gusto mo..tsaka malalate nako..kaya bitaw na" pagmamatigas ko.. takte may long quiz pa naman ako ngayon.

"sige na kung hindi.." sabi niya

"kung hindi Ano?!"  sabi ko..

"iiyak ako dito.."

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon