Ride #19: I Like Him?? yes..I Like Him

262 5 0
                                    

Sky Hime's POV

(play the song on the side----->)

nandito ako ngayon sa UST at kausap ko si jayne kumakain kami sa cafeteria.. tinatanong ko kung pede ba naming ibahin yung may KS kasi ayaw ni SH..pero itong si jayne ayaw..nakakafrustrate lang ha..tinext pa ko ni raijin kaninang umaga para ipaalala na tanungin ko si jayne at bago ako umalis ng bahay tumawag pa siya ulit para ipaalala..unli yata siya eh..hindi lang literal pati yata mentally..grabe...si jayne naman ayaw din makisama sa akin..simple lang naman yun..

"NO hime..napag-usapan na natin to ah..tsaka anung kinalaman ni raijin sa MV natin??"

"Sige na ilang araw na naming halos pag-awayan yan eh..kasi daw 'KISSING SIN' at labag sa batas.."

"wow at bakit niyo naman pinag-aawayan yun eh fake lang naman..at kelan pa naging KISSING SIN ang KISSING SCENE??nako ah..i smell something fishy.."

"maligo ka kasi..psh..sige na ayaw ko namang magalit sa akin si SH"

"tsk..hoy naliligo ako araw-araw noh..ano naman sa'yo kung mag-away kayo..aber??..eh kung magbangayan nga kayo wagas eh..bat parang nag-iba ihip ng hangin hime..is there something i need to know??"

"W-wala..ayoko nalang talaga na lagi kaming nag-aaway..nakakasawa eh"

"weh di nga??..pansin ko nitong mga nakaraang araw ang sweet niyo na nga eh di na kayo masyadong nagsisigawan pwera nalang pag-inaasar niya si jay..ganito nalang pag-iisipan ko kung mapagbibigyan kita sa hiling mo..basta tell me..what's the catch between the two of you??"at nakangiti pa ng nakakaloko ang bruha..

"Ahhmm..okay ang alam ng parents niya at ng mom ko kami ni raijin..ang nakakapagtaka masaya sila nung malaman nila at madalas kami sa bahay ng isa't isa kundi dahil sa mom ni SH dahil naman sa mom ko..kaya kailangan naming maging mabait sa isa't isa..ha-ha"

"WHAT?!OMG kayo na talaga..woah..!!"

"tangeks hindi.. yun ang alam nila..pero hindi talaga kami"ewan ko pero parang nalungkot yata ako habang sinasabi ko yun..baliw na yata ako eh.. :(

"eh bat di niyo nalang aminin na hindi talaga kayo..ha??"

"hindi pwede patay kami pagnagkataon"halos pabulong ko ng sinabi yon

"at bakit naman hindi?? as if namang may nangyari sa inyo at kailangan niyong panindigan na kayo..wait!! don't tell me!!..awww"sabi niya habang nanglalaki ang mga mata..at nakaturo pa sa akin yung tinidor niya..binatukan ko nga..may sapak eh..

"NO! baliw ka ba jayne??utak mo ah maluwag na yata ang turnilyo"

"ehh so bakit nga??..pwede ko i-consider yung sinasabi mong ibahin yung KS..dali kwento na"

wala nakong nagawa may tiwala naman ako sa kanya..kaya kinuwento ko na..na we already slept at each others' place..at nilinaw ko sa malumot niyang utak na..hindi namin ginawa kung ano mang iniisip niya..nabilaukan kasi siya nung sinabi ko na natulog ako kila raijin..at si raijin din sa amin..at pati yung reaction nung parents ni SH nung nalaman nila yun..at yung kay mom din na nakakapagtaka kasi di man lang siya nagalit kay raijin nung gabing dun siya natulog sa kwarto ko at siya ang nag-alaga sa akin she even let raijin take care of me until morning at sinabi pa niya 'I'm glad raijin took care of you'..wala man lang BAKIT KA NAGPATULOG NG LALAKI SA KWARTO MO!!! yung mga normal na magiging reaction ng normal na parents pagnalaman nila yun..

si jayne nganga..na-information overload ko yata eh..nung nakabawi na siya sa pagkagulat nagsalita na siya..

"wow kailangan talagang sabihing malumot ang utak ko..excuse me hindi ako bobo noh!!..pero OMG natulog na kayo ng magkasama!!!wahhmmmmmmmmm!!!"tinakpan ko nga yung bibig niya isigaw daw ba..

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon