Ride #47: Clash of the Parents...and... Fiancés?!

138 4 1
                                    

Ride #47: Clash of the Parents...and... Fiancés?!

Sky Hime’s POV

*sigh* Hindi ko na alam ang gagawin ko dito! Ni hindi ko na nga alam kung paano ako nakarating dito sa isang Hotel room kasama sila eomma at appa eh. Hindi ko na rin alam kung paano ako makakaalis dito.

Kung tatanungin niyo ako kung ano na ba ang nangyari sa engagement party ni Raijin...Ang sagot ay hindi ko rin alam dahil pagdating ni appa in-excuse na kami ni eomma at naiwan nalang doon sila Raijin.

“Igeo mweoyeyo?!( What is this?!)” Sigaw ni eomma.

“Aniyo! Igeomweoyeyo?! (No! What is this?!)” Singhal naman ni appa.

Kanina pa sila ganyan simula nung pumasok kami dito sa hotel room at nagpakitaan sila ng mga kontrata na ginawa nila sa mga magulang ni Jino at Charlie.

Obviously ginawa ni eomma na makipagkontrata sa mga magulang ni Jino para maihiwalay na niya ako kay Raijin. At si appa naman ito na yata yung matagal na niyang plano na madalas nilang pag-awayan ni eomma. Mga magulang ko talaga. Tsk! Tsk! Tsk!

“Waegeurae?! (Why are you being like this?!)” –eomma

“Aniyo! Waegeurae?! (No! Why are you being like this?!)” –appa

‘Yan ganyan lang talaga ang gagawin nila. Magsasalita si eomma tapos gagayahin naman ni appa tapos dadagdagan lang niya ng ‘No’. Hay buhay nga naman. Hindi kasi nila matanggap na ipinagkasundo nila ako sa dalawang magkaibang tao. Grabe sila! Paano nila nagagawa ito sa nag-iisa nilang anak?!

“Tara takas?” -Charlie

“Good idea!”-Jino

Oo nga pala kasama ko nga pala ang dalawang ‘to, hinatak ni eomma si Jino at si appa ganun din ang ginawa kay Charlie. Tinignan ko naman ‘tong dalawang ‘to na kanina pa walang ginagawa at prenteng-prente lang na nakaupo. At balak na yata nila umalis!

“Hime, sama ka?” Bigla naman silang tumingin sa akin at inalok ako na sumama sa kanila.

“Hindi niyo ba nakikita na nag-aaway pa yung parents ko tapos isasama niyo ako?!” Sagot ko sa kanila

“Sa tingin ko sa paraan ng pag-uusap nila baka gabihin na sila sa pagbabangayan, tingin mo? .” Tanong naman ni Charlie kay Jino.

“Tingin ko rin, ikaw Hime tingin mo? Kasi wala kaming balak na maghintay na matapos sila.Kung kaya mo silang tagalan sige una na kami.Kasi kami hindi.” Sabi naman ni Jino.

“NEO MICHEOSSEO?! (ARE YOU CRAZY?!)” –eomma. Ahh! Ayoko nga sila antayin matapos! Ganyan na nga sila sa Korea pati ba naman dito sa Pilipinas?!

“A..Ay...Ayoko nga! Sa..Sa..Sasama nalang ako sa inyo.” Sagot ko naman sa kanila.

“So tara na?” –Jino

Tumango naman ako. Dahan-dahan kaming tumayo at naglakad palapit sa pinto. Medyo nakatalikod sila sa amin at masyado silang engrossed sa pag-uusap nila kaya akala ko hindi nila kami mapapansin. Pero nung palabas na kami ng pinto. Nakita nila ako kaya...

“PARK SKY HIME!!!/PARK SKY HIME!!!” Sigaw nila parehas, pero huli na dahil naisara na namin ang pinto at tumakbo na kami paalis. Wow! Akala ko wala na silang mapagkakasunduan pero meron pa pala. Ang Pangalan ko lang pala. TSS! Bahala sila doon mag-away silang hangga’t gusto nila!

*CAR PARK*

“Saan tayo sasakay?” tanong ko.

“Sa kotse ko!”-Jino

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon