Ride #48: Her Decision

115 4 0
                                    

Ride #48: Her Decision

Sky Hime’s POV

*sigh* Mag-iisang linggo na rin simula nung Double Engagement Party na ‘yon. At mag-iisang linggo na rin na hindi umuuwi si eomma, kung kay appa naman hindi na ako nagulat, hindi naman yun nag-iistay ng matagal dito. Ang sabi sa akin ni ate Inday bumalik na daw muna silang Korea para ayusin yung pagkakamali nila.

That only means another Christmas alone. *sigh*. Si ate Inday umuwi ng probinsya para doon magcelebrate. Wala naman akong kakilala dito sa compound namin dahil hindi ako palaging lumalabas ng bahay.

Grabe konti nalang talaga mababaliw na ako dito sa bahay. Simula kasi noon sa bahay at mall nalang ang pinupuntahan ko. Pero ,mabuti nalang at pinupuntahan naman ako dito ni Reika... At pati na rin ni Elle.

<<<FLASHBACK<<<

Timeline: 4 days after the Double Engagement party.

*DING DONG*

Kasalukuyan akong nag-aalmusal ng Ramen ng may mag-doorbell. Kahit na pakiramdam kong sobrang bigat ng katawan ko tumayo ako at pumunta sa may gate. Pagbukas ko nakita ko si Reika at  medyo nakayuko siya.

“Reika...”  Nag-angat siya ng ulo niya.

“Ate, Hime!” Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Pero agad din syang humiwalay. “Ate, what happened to you? You looked...you looked...”Puna niya.

“Yeah I know, Reika. I looked devastated” Totoo naman eh.

“Grabe gaano ka ba katagal umiyak, Ate? Yung mata mo magang-maga.”

I shrugged.

‘Kahit ako hindi ko na alam kung gaano ako katagal umiyak. Akala ko nga hindi na ako iiyak matapos kong makasama yung dalawa pero pagdating ko sa bahay parang biglang bagsak ng mundo sa akin, na sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko gusto ko nalang I-confine yung sarili ko sa isang lugar na malayo sa mga taong nakakapagpalungkot sa akin, kahit na rin sa mga nakakapagpasaya. Kahit si Jayne na halos Bestfriend ko na hindi ko na rin sinasagot yung mga tawag niya. Hindi naman siya nagpupunta dito sa amin siguro hindi na rin niya alam ang sasakyan at daan papunta dito.’

“Pasok ka muna.” Mas binuksan ko pa yung gate at pinatuloy siya sa loob ng bahay.

Pinaupo ko siya sa sofa at dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng juice. Pagbalik ko sa sala nagtanong na agad siya. “ Kamusta ka na ate?” May lungkot sa mga mata niya.

“I would be lying if I’d say I’m fine because seriously, I’m not.” Kahit mahirap I still fight back the tears from falling. Kahit man lang sa harap ni Reika, maging matatag naman sana ako.

“Ate Hime, get him back. I know I’m being demanding but... I like you so much for kuya, na kahit si ate Iya pa ‘yon ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kilala at alam kong mabait naman si ate Iya but still there’s something in you that tells me that there’s more... That you are so much more than ate Iya.”

“Reika..paanong?...’di ba wala ka naman doon sa engagement party?” Narealize ko lang na wala nga si Reika doon ngayon lang, dahil hindi ko siya nakita doon. Pero bakit alam niya?

“Oo, ate I wasn’t there because I was against it, because they unintentionally made me believe that you and kuya are...are for each other...that you two are already engaged...”

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon