Ride #53: No secrets are forever hidden

113 4 5
                                    

Ride #53: No secrets are forever hidden

Sky Hime’s POV

Hay isang linggo na rin simula nang pakulayan ko ng pula ang buhok ko. So far, So good naman. Kaya lang pagkauwi ko nung araw na nagpakulay kami ni Raijin nasa bahay na pala si eomma at isa na namang gulo ang naganap...

<<<FLASHBACK<<<

Pagdating ko sa bahay nakapatay na ang mga ilaw at wala na sila Jayne. Buti at nai-lock naman nila yung pinto. Pag-akyat ko napansin kong nakabukas pala yung ilaw sa kwarto ko, lumapit ako at medyo nakabukas din yung pinto pagsilip ko nakita ko si eomma.At may hawak na naman siyang papel. Oh Shit! ‘wag niyong sabihing...

Binuksan ko ng mas malaki yung pinto saka ako lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano niya halos lukutin ang papel na hawak niya. Tanga ka talaga, Sky! Bakit ko ba kasi iniwang pakalat-kalat ‘yon eh!

‘Eh malay mo bang dadating siya ngayon at tatambay pa sa kwarto mo?’-Sky the second. Wow! For the first time may pampalubag-loob ding nasabi si Sky the second!

“Eomma”  Mahinang sambit ko.

Humarap siya sa akin at kitang-kita sa mga mata niya ang galit at lungkot habang umaagos ng masagana ang mga luha niya. “Park Sky Hime! How dare you keep something like this to me?! To your father?!”Saka niya ako pinaghahampas. “Do you hate me that much for not telling me this?” Tanggap lang ako ng tanggap sa mga hampas niya, gaya ng dati hindi ko sinasalag ang mga iyon.

“You, having C.A. is already a very hard thing to accept and now this! How could you?!Gusto mo na bang mamatay ako ng maaga ng dahil sa pag-aalala sa’yo? Ha?!”

[A/N: C.A. or Cardiac Arrhythmia is a heart illness that causes sudden fastness or slowness of the heartbeat.  Abrupt slowness may cause the heart to stop beating. Same goes with too fast beating.]

“Eomma, hindi naman sa ganon kaya lang... ayoko lang na pag-alalahanin kayo ni appa. I just don’t want to be a burden to you.” Naiiyak na din ako. Kung yung tungkol sa C.A. ayos lang na malaman nila dahil ang sakit na ‘yon ay hindi naman talaga threat. Kailangan lang ng maintenance ng medicines. Pero itong nalaman niya iba ito at ayokong malaman nila dahil baka mag-cause ito ng mental breakdown kay eomma, na parang nangyayari na nga ngayon.

Kaya nga wala akong balak sabihin sa kanya dahil alam kong magkakaganito siya.

“Sa tingin mo ba ikatutuwa ko ang ginawa mong pagtatago sa amin nito?! Ina mo ako! At kahit kailan hindi kita itinuring na  burden!Lahat gagawin ko para sa ikagaganda ng buhay mo!” Puno ng hinanakit na sabi niya.”At anong katangahan ‘yang ginawa mo?! Alam mong makakasama sa kalusugan mo ang pagpapakulay ng buhok! Sky, naman!” Dagdag pa niya. At halos maglabasan na lahat ng ugat niya sa leeg sa sobrang lakas ng pagsigaw niya.

Yeah, I know na masama para sa kalusugan ko ang magpakulay pero sarili ko namang desisyon iyon eh.

“Nagpakulay lang naman kami ni---“

“Ni Raijin na naman ba? Ha, Sky?! I knew it! He wouldn’t really bring nor do anything good to you! You better stay away from that guy!”

“H-He doesn’t know about my condition! Don’t be too harsh, eomma! It’s my own decision! And I’m also the one who is responsible for this!”

“H..How?!” At napahawak siya sa batok niya. “I don’t care anymore, but you better fix your things because as soon as the papers for migration are fixed then we’re also good to go!” Authoritative na sigaw niya.Saka siya tumayo at naglakad palapit palabas ng pinto.

“Eomma, naman! Give me more time!” sigaw ko

Napahinto siya at lumingon sa akin. “I gave you too much time and freedom already! It’s about time you do what I say!---Sky!”napahinto siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

Lumuhod ako at ipinagkiskis ang mga palad ko. “Eomma, please. Just give me more time. 2 months will do. Then after that I’ll let you do what you want! Just please give me 2 more months to finish this Semester and make proper closure to everyone! Please!” I cried my heart out as I say my plea.

“Sky...” hindi makapaniwalang sambit niya.

>>>END OF FLASHBACK<<<

Napailing nalang ako at napangiti ng mapait ng maalala ko ‘yon. Pumayag naman siya kaya susulitin ko na talaga ang mga huling araw ko dito. Bumalik na muna si eomma sa Korea. Sususlitin ko rin ang mga huling sandaling kasama ko sila.

Ilalaan ko ang less than 2 months na natitira para siguraduhing ayos na lahat ng maiiwanan ko at masaya na ang taong kauna-unahan at kaisa-isang minahal ko.

***

Naglalakad ako sa loob ng subdivision nila Raijin dahil ang magaling na si Jino naiwan yung wallet niya sa bahay namin kahapon.

Papunta na sana ako sa bahay ni Jino ng may tumawag sa pangalan ko. “Hime!” Hindi pamilyar ang boses at boses ng isang babae ang tumawag sa akin. Paglingon ko nanlaki ang mga mata ko.

“Iya....” Yun nalang ang nasabi ko sa sobrang gulat ko.

*later*

***^***^***

Thanks for reading!!!

Comments please!

May 10, 2014

-XOXO GiOMy-

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon