Ride #50: You are not alone

114 3 3
                                    

Ride #50: You are not alone

Sky Hime’s POV

Halos kalahating oras na akong nag-i-iiyak dito at alam kong konti nalang mauubos na ang tubig sa katawan ko. Tapos meron pang...meron pang... “WAAHH!” Sigaw ko at biglang napabangon sa kama. “Ang kati! Ang kati!” Sigaw ko habang kinakamot ang iba’t ibang parte ng katawan ko. Puro pantal na ako. TT__TT

Teka huli akong nagkaganito noong... “Ay tanga!” Napatampal ako sa noo ko ng marealize ko ang katangahan ko. Dali-dali akong umalis sa kama at bumaba. Pumunta ako ng kusina at hinanap ang gamot na kailangan ko.

“AHA! Nandito ka lang pala!” Kumuha ako ng tubig at ininom yung anti-histamine.

Nang makainom na ako hinugasan ko yung baso at paakyat na sana ako ng may kumatok sa may pinto. At biglang may mga kumakanta na.Tumingin ako sa orasan at nakita kong 11:30 pm na. Sino naman kayang mamamasko pa ng ganitong oras? 30 minutes nalang pasko na.

“Patawad!” Sabi ko pero parang wala silang naririnig at patuloy lang sa pagkanta. “Patawad!”  sigaw ko ulit. Teka! Paano sila nakapasok? Iniwan ba ni Raijin na bukas ang gate namin?

D-in-ouble check ko kung nakalock ang pinto at napailing nalang at tatalikod na sana ako nang marinig ko ang uling linya ng kanta nila.

“We wish you a Merry Christmas, Park Sky Hime!” Saka ko lang narealize na yung mga boses na ‘yon ay parang pamilyar. Lumapit ako agad sa pinto at pagbukas ko nagulat ako.

“Merry Christmas!” Bati nila. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako pero pinigilan ko.

“Oh anong ginagawa niyo dito? P-pasok kayo.” Isa-isa silang pumasok at may mga dala silang iba’t ibang pagkain. “Pasko na ah. Hindi ba kayo hinahanap sa inyo?...” Isasara ko na sana yung pinto ng may humabol pa at may dala siyang cake “Reika...” Sabi ko. “Hi ate! Merry Christmas!” Inabot niya kay Jayne yung cake saka niya ako niyakap. Kahit parang may ideya na ako kung bakit sila nandito hindi pa rin matanggap ng isip ko. Umalis ako sa pagkakayakap ni Reika at nagtanong ulit. “Teka nga, bakit ba kayo nandito? Umuwi na kaya kayo may ilamg minuto pa naman bago magpasko oh.”

“Ate naman! Ganyan ka ba tumanggap ng bisita? Kita mong kararating lang namin, uwi agad? Tsaka don’t you worry kung ‘di man ako makapagpasko ngayon kasama yung family ko hindi naman siguro nila ikamamatay ‘di ba? It won’t hurt them.Pramis! “ Hirit ni Reika saka siya ngumiti ng malapad at niyakap ako ulit.

“Same goes to mine!” hirit ni Jayne at niyakap din ako.

“Sa akin din!” Si Elle at niyakap din ako.

“Me too/ Nado” nagkasabay pa si Jino at charlie. At Oo nandito rin sila.

“Gaya-gaya!” –Charlie

“Ikaw kaya!” –Jino

“Ikaw!”

“Ikaw!”... At nagsimula na naman silang mag-away. -___-

“Ok lang din sa akin! Hime Mylabs payakap din!” Sabi ni Jay at akmang yayakapin na ako ng mahablot siya bigla nina Jino at Charlie. “Anong payakap din?!Hindi nga namin mayakap ‘yan eh! Gusto mong yumakap sa pader?!” Tanong naman nila kay Jay saka piningot sa magkabilang tenga. “Hime Mylabs! Tuloooong!!! TT___TT” –Jay

Natawa nalang kaming mga girls.

“Teka Hime! Bakit puro pantal ‘yang katawan mo?” tanong ni Jayne.

“Ah ano kasi na-allergy ako.”

“Allergy saan?” –Elle.

“Sa hipon.”

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon