Ride #39: What comes after the rainbow?

137 6 0
                                    

They say there’s always a rainbow after the rain, but, what comes after the rainbow?... probably nothing or worse yet another huge storm will come.

~*~*~

Sky Hime's POV

Hay ambilis nga naman ng panahon. Yung dalawang linggo sa resort parang dalawang araw lang. Pero andaming nangyari at ang pinaka gusto ko ay yung naging kami ni Raijin.Hihihi. Kinikilig ako! Sayang nga lang kasi hindi nakarating si eomma at hindi ko rin nman siya makontak.

Grabe talaga nung mga huling araw namin doon sobrang exciting . Nag island hopping, Jetski, Beach volleyball, Banana boat, diving, spelunking at kung ano-ano pa kami at sa lahat ng mga ginawa namin kasama ko si Raijin na laging nakabantay. Hay namimiss ko na nga yung mga linya niya eh.

“Sky, Malalim jan.”

“Sky, mag-ingat ka.”

“Sky, ako na jan.”

“Sky..Sky..Sky” hahaha. Pasensya na masaya lang ako.

“Ay tokwa!” Bulalas ko natapilok kasi ako sa hagdan paakyat sa kwarto ko kaka-daydream ko tungkol sa mga nangyari sa amin ni Raijin. “Haynako Sky tama na nga! Parang di mo kasama kanina ah!” saka ko pinagpag yung damit ko at pinulot yung nabitawan kong bag. Napailing-iling nalang ako saka pinihit yung doorknob ng pinto ng kwarto ko. Nakayuko pa ako habang nakangiti pero ng mabuksan ko na ang pinto agad akong napatuwid ng tayo at napawi ang mga ngiti sa labi ko dahil sa…

*PAK* isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwang pisngi ko. Agad kong nabitawan ang bag na hawak ko at inilipat ang kaliwang kamay ko sa pisngi kong nasampal.

“E-eomma?” Nanlalaki ang mga mata ko ng mapatingin ako sa kanya.

*PAK* isa pang sampal ang tumama sa pisngi ko pero sa kanan naman. Kaya ko naman yung sakit ero bakit??

“Don’t you dare call me eomma! How could you? I’m your mother! H-how--?” Kitang-kita ko ang panggigigil ni eomma at ang mga luhang tuloy-tuloy ang pagbagsak galing sa mga mata niya. Napatigil siya at napahawak sa dibdib niya.

“Eom—“ Sinubukan kong hawakan siya pero tinabig lang  niya yung kamay ko.

Napa-iyak na din ako kahit hindi ko alam ang mga nangyayari. “’Ma… Bakit?” hinawakan ko ulit siya dahil parang mawawalan na siya ng balanse ngunit tinabig niya lang ulit.

“Why?! You’re really asking me that question? Better ask yourself! Explain me these!” Tapos may mga papel siyang kinuha sa kama ko at inihagis niya sa may paanan ko. Taka akong napatingin sa kanya bago ako lumuhod at kinuha ang mga papel na nagkalat sa sahig.

Pinulot ko at nanlaki agad ang mata ko pagkakita ko sa mga papel na inihagis niya. P-paano niya nakuha ang mga ito? NIlipat-lipat ko pa ang mga papel at tama nga ako.Kaya lang may kulang dito ah *sigh*. Sigurado akong tinago ko ‘to at walang pumapasok na tao sa kwarto ko maliban sa akin. Ako rin ang naglilinis dito…

“PARK SKY HIME! PAANO MO NAGAWANG GAWIN SA AMIN ITO NG PAPA MO??MAGPALIWANAG KA PAANO MO NAITAGO ANG GANITONG BAGAY SA AMIN?! PAANO?HA??” Sigaw ni eomma at lumapit siya sa akin at pinaghahapas ako sa braso, wala akong ginawa para salagin o iwasan ang mga hapas niya habang paulit ulit niyang sinasabi ang mga bagay na ‘yon. Nang sa tingin ko napagod na siya dinala ko siya sa may kama at pinaupo.

“Wala akong itinago sa inyo eomma.” Mahina kong sabi. Kung kanina ay nakayuko siya napa-angat naman ang ulo niya at nagtatanong ang mga matang nakatitig sa akin.

*sigh* pinulot kong muli ang mga papel na nalaglag kanina ng bigla niya akong hampas-hampasin, saka ko ‘to tinupi ito ng maayos, at umupo ako sa tabi niya.

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon