Ride #31: Sleeping trouble

191 5 3
                                    

Sky Hime's POV

After this tiring day I still can't sleep.Ugh! I hate it. Lagi akong ganito simula nung lumabas ako ng ospital. Madalas akong abutin ng siyam-siyam para lang makatulog pwera nalang kung sobrang pagod ako. Parang laging may hinahanap yung katawan ko hindi ko lang alam kung ano o kung meron nga ba talaga.

It's late and I'm still awake here in the kitchen drinking milk but it doesn't help even a bit.

"Hime bakit gising ka pa?" tanong ni jayne habang kinukusot yung mata niya.Kumuha siya ng tubig sa ref.

"Hindi ako makatulog eh"

"Bakit naman?"sabay inom nung tubig niya saka umupo sa tabi ko

"Ewan ko ba simula nung lumabas ako ng ospital lagi na akong ganito.I even hug pillows when I'm about to sleep  which I don't normally do"

"Eh baka naman gusto mo lang ng katabi?"wala sa sariling taning niya

"Baka nga" wala din sa sariling sagot ko

"WAIT! Diba kayo lang naman ang magkasama ni Raijin tuwing gabi sa hospital? I mean tuwing dumadalaw ako sa'yo pagdating ko ng umaga lagi kayong magkatabi..may nakapagsabi sa akin na kapag may nakagawian ang isang tao kapag natutulog siya tapos more than a week niya na yung ginagawa nagiging sleeping habit niya na yun..lagi ba kayong magkatabi?" walang halong pang-aasar na sabi niya

"Err..Oo parang ganun na nga..to be honest nung nasa Ospital kami mabilis akong nakakatulog at nung lumabas na ako sa ospital diba ganun na nga hindi ako makatulog ng mabilis sa gabi..pero kapag nasa biyahe kami ni Raijin at katabi ko siya dun lang ako nakakatulog ng maayos..Eh hindi ko naman gawaing matulog sa bus.Ang weird talaga!!"

"Hay nako girl mukhang tama nga ako.Hala sige umakyat ka na doon at tabihan mo na siya para makatulog ka na..hahaha..para ka laging zombie sa klase eh..wahahaha..Sorry I don't mean to laugh kasi..kasi..kasi..hahahaha"

"Ok ok sige itawa mo lang yan..tignan natin kung nandito ka pa bukas kaasar ka"

"Joke lang to naman..hahaha..ok stop na ko..pero I swear you need some sleep"

"Alam ko.Eh hindi nga ako makatulog..wait parang may tao"sabi ko parang may narinig kasi akong tumunog.

"wala naman.Ihh nakakakilig naman ang sweet niyo naman.parang kayo talaga"

I smiled bitterly and suddenly I want to cry remembering what happened yesterday

"Hey bat bigla kang lumungkot.Ano nga pala nangyari nung iniwan ko kayo kahapon,nakita ka ba niya?"

"Oo nakita niya ako jayne..jayne he told me He loves me. "naiiyak na talaga ako

"Hey you love him right?..so bakit parang iiyak ka na jan?Dapat matuwa ka diba?"puno ng concern na sabi niya.Kung kanina pagdating niya dito antok na antok yung itsura niya ngayon parang nagising lahat ng brain cells niya.Kailangan ko lang talaga ng kausap.

"Masaya ako jayne you don't have any idea how much happiness it brought me when he said that..pero alam kong mali "

"Paanong mali??Ano sinabi mo sa kanya nung sinabi niyang mahal ka niya?"

"I-I said thank you"

"What?!O_O..you should have told him you love him too..Hime what is wrong with you?! I don't really know what's the point of holding back your feelings for him"she said as a matter of fact

"Jayne hindi mo ko maiintindihan. I can't let him settle for less" at alam kong hindi ako ang laman ng puso niya kahit kailan alam kong hindi ko mapapalitan si Iya.Pero hindi ko na sinabi kay jayne dahil hindi ko alam kung gustong ipaalam ni Raijin ang tungkol kay Iya sa iba.

"What less?You're no less Hime..How could you say such things?"

"Basta alam ko lang na hindi ako sapat para kay raijin..na hindi ako ang kailangan niya"

I manage to smile before I stood up 

"Hey ang daya mo naman eh nag-uusaap pa tayo!"sigaw niya habang paakyat na ako ng hagdan. Ayoko na munang pag-usapan yun.

"Matulog ka na ulit..hahaha"sabi ko nalang sa tumuloy sa pag-akyat.

"Bigyan mo naman ng pagkakataon yung tao.Sige ka baka magsisi ka sa huli..hahaha..just sayin' " Pahabol niya.

Hmm..dapat ko nga sigurong pag-isipan.kaya lang..haist!..saka nalang.

*BEDROOM*

Pumasok na ko sa kwarto namin bukas yung ilaw.Alam ko hindi naman natutulog ng bukas ang ilaw tong si Raijin tsaka patay to nung lumabas ako.Gising kaya siya?Nakatalikod siya sa akin.

Lumakad ako papunta sa kama ko at nahiga di ko na muna pinatay yung ilaw hindi rin naman kasi ako makakatulog kahit patayin ko.

Tinitigan ko nalang yung likod ni Raijin.Hayy may chance kaya na mahal niya rin ako katulad nung pagmamahal niya kay Iya?hahaha..ito na ba yung snasabi nilang 'nangangarap ng gising'?.

Ang lapit na niya pero parang ang layo pa rin.Anu ba yan ang corny ko na.Shot!.Napapikit ako ng wala sa oras.Binaling niya yung katawan niya paharap sa akin mahirap ng mahuling nakatitig sa kanya.Sabihin pa niya pinagnanasahan ko siya.O hindi nga ba??hayy ewan..

Teka gising nga siya! Narinig ko siyang naglalakad biglang namatay yung ilaw.

Raijin's POV

Nakakatawa si Sky kararating lang niya sa kwarto at hindi niya pinatay yung ilaw.Totoo kaya yung sinabi niya kanina.Kawawa naman to.Lumingon ako sa side niya at nahuli ko siyang nagtutulog-tulugan hahaha..ang cute..pero pinigilan kong tumawa kasi baka mainis siya..haha.Ayaw pa naman niyang dinadoubt yung acting skills niya.Tumayo ako at pinatay ko yung ilaw.

Lumapit ako sa kama niya at humiga sa tabi niya saka ako naglagay ng kumot.Natutulog naman siya 'kuno'.Nakaharap siya sa akin kaya tumagilid din ako para magkaharapan na talaga kami iniangat ko yung ulo niya at nilagay ko yung kaliwang braso ko saka ko binaba ng dahan-dahan yung ulo niya.

Bahagyang huminto yung paghinga niya.Ano kayang iniisip niya?Parang nahigit ko rin yung hininga ko pero nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko yung kamay niyang parang niyakap yung bewang ko.

teka chansing na to ah..hahaha.joke lang.pero pansin ko sa kanya kahit na nung nasa ospital kami she loves cuddling o ako lang ang nagiisip non? ganito kasi yung pwesto namin doon at napansin kong lagi siyang nakayakap sa may bandang bewang ko and she likes to bury her face sa may bandang leeg ko.

Hinigit ko siya palapit sa akin buti hindi siya umaangal inaantok na siguro to.haha.Akala niya ba siya lang ang hindi makatulog ng maayos? Quits lang kaya kami.I kiss the top of her head.

"Kailan mo kaya ako paniniwalaan?"I said

"I Love You" I whispered cause I know she's till awake.

She didn't answer back but she just buried her face more on my neck. Just then I realize that I really miss her doing this to me even this position of ours is always giving me a hard time still I'd rather chose to feel this way than not.

 -----------------------------

Raijin handsome face on the side----->

Thanks for reading!!

Comments please! :)

01/18/2014

-XOXO GiOMy-

YOU AND I (A Bus Love Story) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon