Mitchie's POV
6:30 am ng magising ako. 8:00 pa yung klase kaya I decided na bumili muna ng breakfast at magluto^^ Achievement! Haha
Pagbaba ko nakita ko agad si Sari na nagwawalis sa labas ng bahay. She's so responsible talaga. Buti na lang sya naging kasama ko sa apartment kundi matagal na ako napalayas sa sobrang dumi ng bahay. Haha. Hindi ko kasi hilig ang gawaing bahay e XD
After ko maghilamos ay lumabas na ako.
"Good morning Sari!" bati ko sa kanya.
"Good morning din" bati nya.
"Ah Sari, punta lang ako ng kanto ha bibili ako ng almusal natin."
"Naks! Himala? Mukhang good mood tayo ah?" Hm? Medyo lang. Favorite ko kasi yung bibilhin kong almusal eh. Hihi
"Hindi naman masyado. Haha. Osya alis na ako. Maligo kana para pagbalik ko e kakain ka na lang." pagpapaalam ko sa kanya.
Naglakad na ako papuntang kanto at pagkadating ko ay hinanap ko agad ang tindahan ng aking favorite na... SIOMAI! ^_______^
"Manang P50 nga pong siomai yung pork and shrimp tapos yung spicy po yung sauce." Shet ngayon pa lang naglalaway na ako. hihi
Pagkabigay sakin ng siomai ay bumili pa ako ng pancit canton at pandesal pati 3in1 na kape. Mahilig kasi kame sa kape ni Sari eh.
Pagkarating ko sa bahay ay palabas pa lang ng banyo si Sari. Sabi nya maligo na daw ako at sya na ang bahala magluto ng pancit canton tutal sandali lang naman daw yun para iwas late. Oh diba teamwork kung teamwork? Ganyan kame ni Sari :)))
Naligo na nga ako at pagkatapos ko naka serve na yung almusal. Yih em so eggzoited! Nagtapis na muna ako nga tuwalya at dumiretso sa mesa. Who you muna sakin si demure. Hahaha
" Mitchie siomai sa almusal?" tanong ni Sari na nagtataka.
"Oo ang sarap kaya ng siomai! Nasanay ka lang kasi na kinakain yung siomai as meryenda hindi sa umaga." sagot ko habang tumutusok ng siomai at sawsaw sa sauce.
"Ah I see. Sarap na sarap ka nga eh. Hehe" I just nodded then smile. Naka focus kasi ako sa pagkain ko eh.
After mag almusal ay nagbihis na ako agad at nag ayos na agad. Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin ay biglang nagsalita si Sari.
"Mitchie ang ganda mo pala pag walang salamin eh. I mean maganda ka naman talaga yun nga lang hindi napapansin yung ganda mo pag nakasalamin ka eh mukha namang di malabo ang mata mo. Kulot pa at iba iba pa yung style ng pagtali mo sa buhok mo." nung narinig ko yun ay dali dali kong kinuha yung salamin ko sa drawer.
"Ah kase Sari, nagsasalamin ako para makaiwas yung mata ko from iritation. Sensitive kasi sila." I lied.