11: BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?

30 4 0
                                    

MITCHIE'S POV

Friday

Hindi namin kaklase ni bestie and HB (Heart Breakers) today so medyo walang pressure. Ewan ko ba simula kasi nung naging part kami ng "It-group" nila feeling ko ang daming matang nakatingin sa amin. Lahat ng nadadaanan ko nagbubulungan lalo na yung mga babae. Minsan nga sinasadya pa nilang iparinig sa akin yung chismisan nila like flirt daw kame, na kinulam ko daw yung HB dahil mukha daw akong witch. Duh? Sa ganda kong to mangkukukam ako? Nababaliw na sila.

Walang pakialam si Lyka sa sinasabi nila kasi alam naman daw namin na hindi totoo. Alam ko yun pero hindi kasi ako sanay sa atensyon. Wala naman kasing pasikatan sa dati naming school at walang katulad ng mga HB na big deal sa mga madlang pipol kung sino yung mga kasama. Iba nga yata talaga pag sa City nakatira, masyadong ma-issue ang mga tao.

Third day na ngayon ng pagtatrabaho namin sa canteen. Wednesday kami nagstart. Ok naman yung work kahapon. Medyo mabilis na ako kumilos at mag-serve sa mga customers. Yun nga lang yung mga fangirls ni Zeus hate ako. Napa-away pa nga ako kahapon eh...

Flashback<<<<

Thursday

As usual madaming customers ngayon kahit four pm na dahil sa mga fangirls ni Zeus na gusto siyang makita. Buti may mga pera pa sila by this time? Grabe sila ha. For sure nangutang yung iba diyan maka-order lang ng bottled water. Joke. Hahaha.

Nakita ko naman yung dalawang kaklase namin. Ano nga ulit pangalan nung isa? Myra? Maria? Chaka? Ah basta yung may-ari ng paldang ginamit ko. Yung palda na pwede ng gawing banderitas sa sobrang ikli. Ang paldang nagpahamak sa akin. Bwisit na babae to! Obsessed nga pala sila ng kaibigan niya kay Zeus. Kaya mega sugod sila dito.Tss. Pathetic.

Nakita kong pinuntahan sila ni Zeus para kunin yung orders nila. At yung dalawa naman biglang nagharlem shake sa sobrang kilig. Joke lang. Haha. Basta para silang isdang inasinan. Nung binigay na sa akin ni Zeus yung list ay kinuha ko na yung orders nila—dalawang ceasar salad, steak, and ginger-carrot-celery juice. Detoxifying juice 'to ah? Dito pa talaga nila balak uminom. Magtae sana kayo. Wahahaha.

Iba rin ang canteen na ito halos lahat ng pagkain nandito. Eh restaurant na 'to eh. Restau sa school? Cool.

Dinala ko na yung orders nung dalawang froglets. Nagulat pa nga sila.

"Hoy panget bakit ikaw may dala ng orders namin? Asan si Zeus?" Bungad sa akin ni Myra o Myka. Whatever.

"Ako talaga ang nakatoka sa pagdala ng mga orders niyo." Sagot ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Gusto ko si Zeus ang mag serve pa sa amin! And by the way, where's my favorite skirt? Akala mo siguro sayo na yun no? Pasalamat ka kay Zeus dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko ipapahiram sayo yun. May sensitive value ata yon."

Oh my! Hindi ko pa pala nalalabhan yung isinumpang palda ni froglet!

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon