Mitchie's POV
Habang naglalakad ako papuntang guidance ay panay ang tingin ng mga estudyante sakin lalo na yung mga lalaki. Grabe parang hinuhubaran nila ako! >__< Yung mga babae naman panay bulungan. Bakit? Eh paano yung lintik na froglet na yun ang ikli ng palda! Eh kalahati na ito ng akin eh. Huhu ang malas ko naman ngayon araw nato. Waahh!!!
Nung makarating na ako sa guidance ay nakita ko si Zeus na nakatayo sa harap ng pinto ng guidance.
"Hoy, bakit hindi ka pa pumasok sa loob? Mukha kang tanga dyan." pagtataray ko.
"Paki mo? Pumasok ka mag isa mo." Argghh! suplado talaga.
Bigla naman syang napatingin sa legs ko. Waah! Manyak! >,<
"Bastos! Wag mo ngang tignan! Kasalanan mo to eh. Manghihingi ka na lang ng palda yung maikli pa!" siguro sinadya nya yun para makaganti sakin. Errr!
"Hahaha. Sexy ka sana kaso panget ka lang. Tara na pumasok na tayo Ms. kulot." bastos talaga to! Hmp!
Hindi ko na lang sya pinansin at sumunod na lang sa kanya. Sabay na kami pumasok sa guidance. Isang matandang babae ang dinatnan namin. Sya na siguro ang guidance councilor. Palagay nyo? Haha
"Good morning po Ma'am. Pinapunta po kami ni Sir Carillo." nakakatakot sya promise. Mataba sya at makapal ang make up.
"Kakasimula pa lang ng semester may ginawa na agad kayong kalokohan? Especially you Mr. Martinez, you should be a role model to other students. So tell me what happened?" ako na ang unang nagsalita.
"Pinunit nya po yung palda ko ma'am." nag pout pa ako para may drama. Haha
"What? Why did you do that Mr. Martinez? Kaya ba ganyan kaikli ang palda mo hija?" Medyo natawa ako sa sinabi nya.
"Ah hindi po ma'am. Pinahiram na po ako ng kaklase ko ng palda kaso kinulang po sa tela eh. Hehe" pagpapaliwanag ko. Si Zeus naman tahimik lang.
"Ah ganun ba. Ikaw hija ano'ng ginawa mo? What a shame babae ka pa naman." Aray. Medyo hard sya dun.
"Chismis po kasi ang inaatupag imbis na mag aral." sabat ni Zeus. Epal talaga. So naghihintay lang sya ng turn nya para magsumbong? Hanep!
"What you both did are unethical. Hindi pwedeng palampasin. You should be punished." Anak ng tokwa naman oh!
"Ah e ano naman po yun ma'am?" tanong ko.
"Kulang ng mga tao ang canteen natin so you will work there for one week." napanganga ako sa sinabi nya.
"What?! No way!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Zeus.
"Huwag kang sumigaw Mr. Martinez. You have to face the consequences of your actions. You will do it or I will inform your family about this?" wala ng nagawa si Zeus kundi pumayag.