21: THE WICKED PLAN

25 4 0
                                    

"Handa ka na ba Mitchie?" Tanong ni Sari. Nasa likod ko siya at nasa harap kami ng salamin, nakapatong sa balikat ko ang mga kamay niya. Ngayong ang pool party ni Myka and we decided to wear long, floral dress.

Ang ganda ni Sari. Bagay sa kanya ang yellow dress kaya lumitaw talaga ang ganda niya—for sure, head over heels si Carl. Hay, how I wish I could be me—no braces, no wide eye glasses and a messed up hair, just me . . . . the real me.

"Yes, I am very much ready Sari." This is the perfect moment. It's been a week since the encounter between me and Trixie. The nerve of that girl. Simula nung araw na mabuko ko ang kalandian niya wala akong naging balita. Nag isip ako ng mabuti. Hindi ako nakipag usap sa kahit sino sa HB. Kami lang ni Sari ang nakakaalam ng totoo. Bakit hindi ko agad sinabi kay Zeus? Simple lang—gumawa ako ng script ko . . . chos!

Kumukuha lang ako nga tamang tiyempo. At alam ko ngayon ang tamang oras para matigil na ang panloloko ni Trixie kay Zeus.

"Kung ready ka na, bumaba na tayo. Naghihintay na sa baba si Eugene."

Pagkababa namin, nakaupo si Uge sa sofa at tahimik lang na naghihintay. Naka shorts siya at sando—hot! Pwede talagang ipangrampa si Uge.

"Hi, Uge!" Bati ko sa kanya.

"Hi, girls! Ang hot niyo naman."

"Bolero, mas hot ang mga girls mamaya dahil for sure naka two-piece sila."

"Talaga? Wow! Nakaka enjoy naman pala ang trabaho ko."

***

9PM na nang makarating kami nila Sari at Uge sa hotel nila Myka. I was in awe—huge, classic, and modern. Yayamanin si Ate. Madami na ang tao nang dumating kami. Malakas din ang party music na nanggagaling sa may pool area. Akala ko ang section lang namin ang imbitado kundi . . . lahat ng estudyante ng HU? Well, imposible naman na makarating lahat e ibang year levels at iba-ibang courses ang nandito.

Dumiretso na kami sa may pool area para hanapin sila Lyka at Demi. Punong-puno ang pool area kaya hindi namin sila mahanap. Grabe pool party kung pool party! May mga naka two-piece, short shorts, at ang mga boys . . . topless!

"Mitchie ganito ba talaga dito? Hindi ko yata kaya magtagal eh." Sabi ni Sari na halatang naiilang.

"Ok lang 'yan Sari hayaan mo na lang sila sa ginagawa nila."

Suddenly, biglang dumating si Carl na naka shorts at walang pang itaas. Ang hot niya! Namula naman si Sari pagkakita niya kay Carl.

"Hello, girls. It's nice that you're here. Sari, you look lovely."

"Sa-salamat." Yumuko siya at ngumiti.

"Pwede ko bang hiramin si Sari for a while? I'll show her around. Mitchie, parating na sila Zeus at Trixie."

"Sige hihintayin ko na lang. Ingatan mo si Sari ha? Enjoy!" Tapos hinawakan ni Carl si Sari sa braso at umalis, kilig much!

Habang wala pa sila Zeus naglakad lakad muna kami ni Eugene. Eto naman si Uge hindi matanggal ang tingin niya sa mga babaeng naliligo sa pool. Palibhasa naka bikini halos ng mga babae dito eh.

Hinampas ko ng mahina ang likod niya. "Hoy, Uge. Ang perv mo ha umayos ka nga."

"Grabe Mitchie buti na lang pala at pumunta tayo no, ang daming chicks oh! Bakit ka nagbago ng isip?"

Hindi din alam ni Eugene ang totoo. Sabi ko nga, kami lang si Sari ang may alam sa kalandian ni Trixie.

"Magpasalamat ka na lang at pumayag na ako."

"Salamat! Hehe."

Naglalakad pa kami hanggang sa makasalubong namin si Myka na naka floral dress din pero super ikli.

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon