15: MEET HIS MOM

24 4 0
                                    

MITCHIE'S POV

Hindi natuloy yung celebration namin sa bar nila Carl dahil may problema sila Demi at Andy. Sino ba kasi yung Bernice na yun? Naririnig ko lang siya dati eh. Saka ex daw siya ni Andy at dating best friend ni Demi? Hm. It's complicated.

Nauna ng umuwi sina Sari at Lyka. Hinatid sila ng mga boylets nila. So, naiwan kami ni Zeus. Madalas ganito ang set up. Since kami lang ni Zeus yung walang syota eh might as well kami na lang daw ang partner. Kaya nga mas naging close kaming dalawa ni Zeus eh. Sino na lang ba ang magdadamayan kundi kami diba? No choice naman siya eh. Haha.

Heto kami ngayon naglalakad palabas ng school. Since may may sprain siya hindi siya makalakad ng maayos. Kaya kailangan ng alalay. So here I am, the greatest chimay niya. Ugh. Kaloka lang. Inakbayan pa niya ko. Nakakahiya kaya.

"Zeus 'wag mo nga akong akbayan. Kakahiya oh." Sabay tanggal nung braso nya pero binabalik niya lang.

"Nakita mo ng hindi ako makalakad ng maayos diba? Natural kailangan ko ng support. 'Wag ka ng maarte kulot." Aba! Pilay na nga siya may gana pa siyang magsungit!

Kapag nagpa-straight kaya ako ng hair tatawagin pa niya akong kulot? Siyempre hindi ano ba. Haha.

So ayun nga hinayaan ko ng lang siya. Ang daming nakatingin sa'min. Sorry mas maganda ako sa inyo. Char lang. Haha. Bigla namang dumating yung babaeng masasabi kong patay na patay kay Zeus— si Myka.

"Oh goshness Zeus! How is you?! You have pilay. Is it ouching?" Sabay hawak sa kamay ni Zeus.

"I'm okay Myka. It's nothing." Maikling sagot nito.

Oh diba naiintindihan na ni Zeus yung language ni Myka? Eh sa araw-araw ba naman na binigay ng Diyos na paghahabol ni Myka eh nasanay na si Zeus.

"Are you sure baby? You want to eat? I'll make you libre over there." Pagpupumilit ni Myka.

"No thanks. Busog pa ako. Uuwi na kasi kami ni Michelle eh." Sabi ni Zeus.

"Sureness?" Tapos nag-pout siya.

"Oo. Tara na kulot."

Then iniwan na namin ni si Myka.

Pansin niyo ba hindi na suplado si Zeus? He told me before na he doesn't want to be harsh to girls anymore na daw. I asked him why. Sabi niya trip niya lang daw. Bongga ng trip niya no? Haha.

Well, mas mabuti na rin yun dahil hindi na siya masungit sa ibang tao.

Nandito na kami ngayon sa labas ng school. "Saan yung sundo mo?" Tanong ko.

"Wala eh. Magco-commute lang ako." Sagot niya. Sa lagay niyang yan?

"Ha? Pano yan? Kaya mo?"  Tanong ko.

"Palagay mo kaya mag-isa? Siyempre ihahatid mo ako ^___^" Sabi niya ng pangiti-ngiti pa.

"Aba Zeus namimihasa ka na ata? Abusado ka na." Sagot ko.

"Matitiis mo ba ako Michelle? Kapag may nangyaring masama sa akin kakayanin ba ng konsensya mo?" With matching paawa face pa siya.

"'Wag ka ngang ganyan Zeus ang panget mo. Oh sige na hahatid na kita." Talo na naman po ako.

"Good! The best ka talaga kulot. Tara na mag bus tayo."

"Marunong ka sumakay ng bus?" Tanong ko. Mayaman kasi siya eh.

"Oo naman. Ihahakbang ko lang yung paa ko papasok sa bus. Ang stupid mo naman."

"Duh. Ang ibig ko pong sabihin eh nakasakay ka na ba sa bus before and other public vehicles?"

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon