MITCHIE'S POV
Isang sabado ng umaga. Dahil walang pasok ay hindi ako agad bumangon mula sa kama dahil madalas na akong napupuyat ngayon. Simula nung manligaw si Zeus, gabi-gabi na kaming nagtatawagan hanggang sa antukin kami. Minsan nga nakakatulugan ko siya eh. He can't get enough of me daw. Haha.
Dalawang linggo na siyang nanliligaw sa'kin at hindi ko pa rin siya sinasagot. Ang gusto ko kasi makilala niya muna si Kuya Perci kaso busy pa si Kuya sa work niya kaya no choice siya kundi maghintay.
Infairness naman kay Zeus napaka consistent niya. Hindi siya nawawalan ng energy sa panliligaw. Always sweet and caring. Hatid-sundo niya ako sa bahay para ihatid sa school. At syempre kilig na kilig ako noh haha.
Nakahiga pa ako sa kama nang biglang magring ang phone ko.
Kinuha ko ito at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Antok pa kasi ako eh.
"Hello?"
"Good morning Babe ko."
Nawala naman ang antok ko sa boses niya.
"Ang aga ng tawag mo ah."
"Maaga? Eh 10AM na eh."
10AM na? Tinignan ko naman 'yung orasan at tama nga siya. Grabe akala ko 8AM pa lang. Hindi ko namalayan.
"OK. Sorry naman. Eh ikaw kasi pinupuat mo 'ko eh. Ano ba kailangan mo?"
"Ang sungit ha. Tara date tayo. Our first official date."
DATE?!
"
"OK sige. Ano'ng oras ba?"
"Ngayon na."
"Agad-agad? Masyado ko namang excited, Zeus."
"Eh kanina pa po kasi akong 9AM dito."
"Kanina ka pa? Eh bakit di mo ako ginising?"
"Ayokong masira ang tulog mo eh."
"Baka niloloko mo lang ako ha. Wait lang."
Agad namang akong bumaba at nandun nga siya. Bihis na bihis. Naka red polo saka fitted jeans na bagay na bagay talaga sa kanya. Pagkakita niya sa'kin bigla naman siyang humagalpak sa tawa.
Saka ko narealize na hindi pa nga pala ako nag-aayos. Ang panget ko!
Oh NO!!!
Tumalikod ako sa sobrang kahihiyan. Nakita ako ni Zeus sa ganitong ayos. Sarap kong sabunutan grabe.
![](https://img.wattpad.com/cover/15537252-288-k559837.jpg)