23: I DON'T WANNA BE YOUR FRIEND

26 4 0
                                    

I imagine my first crush, my first love. But I never imagine my first heartbreak. But in a way, the pain I've love is what truly changes me. To let go can be scary. But it can also be liberating.

- Carrie of The Carrie Diaries.

 

 

 

 

 

MITCHIE'S POV

 

I feel so exhausted. Masyado nang masakit ang nararamdaman ko. I am so tired—physically and emotionally. Hindi na ako lumabas ng kwarto ko simula nung gabi na iyon. Ilang araw na akon dito at ayokong makipag usap kahit kanino bukod kina Sari, Demi, Lyka, at Eugene.

 

Alam na rin ni Zeus ang lahat ng katotohanan. Nung gabing hinatid ako ni Eugene sa bahay ay biglang dumating si Zeus. Humihingi siya ng tawad dahil hindi daw niya ako pinaniwalaan. Dahil pagod na ako at masama ang loob hindi ko siya hinarap kaya sila ni Eugene ang nag usap. Nagsuntukan pa nga sila dahil nagpupumilit pumasok si Zeus. Wala rin naman siyang nagawa kundi umuwi na lang. Ang laki ng pasalamat ko kay Uge. Kung wala siguro siya hindi ko na alam ang gagawin ko.

 

Sabado ngayon at sa Monday start na ulit ng new sem. Si Eugene na rin ang nagpa enroll sa'kin. He's so bait talaga. Ngayon araw nakaisip ako ng paraan para mawala ang lungkot ko—ang kumanta. Kapag nalulungkot ako gusto ko lang kumanta, gusto kong kumanta bulang si Mitchie. Nagsasawa na rin ako pagpapanggap. Gusto ko rin naman kahit isang araw maranasan ko ulit maging ako.

 

Kaya inaya ko si Eugene na pumunta sa bar nila Carl. Nung una ayaw niya dahil delikado daw pero sa huli wala rin siyang nagawa. Ngayon lang naman 'to eh. Dahil sabado sigurado ako na wala ang HB dun dahil usually fridays ang gig nila dun.

 

Ang saya saya ko! After a very long time masusuot ko na ulit yung mga girly dresses ko. Pumunta muna kami ni Uge sa salon and spa. Namiss ko magpa spa! Ang kapal na siguro ng mga dead skin cells ko haha. Nagpastraight din ako ng buhok. Goodbye buhaghag hair and hello silky straight hair! Shine bright like a diamond! Haha. Nung matapos na lahat ng madugong pagbabalik sa dati kong anyo, humarap ako sa salamin. Ang ganda ko pala talaga kapag hindi nerd na chaka. Ngayon ko lang naappreciate yung beauty ko hihi.

 

Dahil ngayon lang ako makikita ni Eugene sa totoo kong ayos eh ayun, tulaley siya  sa beauty ko haha. Ang ganda ko daw pala talaga. Sigurado daw na hahabulin ako ni Zeus kapag nakita niya ang totoong ako. Tss. Yun na nga eh. Mahilig siya sa magaganda kaya hindi niya ako pansin nun.

 

Naisip ko, paano kaya kung hindi ako nakadisguise ako ang nagustuhan ni Zeus at hindi si Trixie. Siguro kami ang masaya ngayon. Aah! Hindi ko muna siya dapat iniisip ngayon. Dapat mag enjoy ako ngayon.

 

9PM pumunta na kami ni Uge sa bar nila Carl. Hindi ko na pinasama si Sari at baka malasing na naman. Grabe kinwento niya sa'kin nung nalasing siya nung party kaya pala nawala siya. Loka yung babaeng yun! Gawin ba naman juice ang vodka? Haha. Nakakatuwa talaga si Sari. Hindi alam ni Lyka ang plano ko ngayon kase for sure hindi yun papayag.

 

Maraming tao sa bar dahil weekend at sembreak pa. Ang dami kong naming nakikitang taga Heart University. Ok lang naman dahil hindi nila ako kilala kaso yung ibang lalaki wagas kung maka tingin. Chill guys, hawig ko lang si Solenn okay haha!

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon