MITCHIE'S POV
After makaalis ni Lyka ay umuwi na rin kami ni Sari. Grabe gusto ko ng nagpahinga talaga.
Ten in the evening.
Tulog na ako pero naramdaman kong nag vibrate yung phone ko. Nagtataka ako kasi late na kaya tinignan ko kung sino yung nag text.
3 messages received
Sino kaya 'to?
Pagtingin ko tatlong magkakaibang numero yung nakita ko. Kinabahan ako bigla at the same time kinilig. OMG sila Carl na kaya 'to? Hihi.
From: 0906*******
Hi! It's me Basty. See you tomorrow! <3
Waaah!!! Sila nga 'to!
Binasa ko naman yung next.
From: 0927*******
Good evening. Andy here :)
At yung last...
From: 0905*******
Welcome to the group.
- Carl
Yun lang? Pero... Kyaaaah!! Tinext ako ni Carl!! Hihi.
Sinave ko muna yung mga numbers nila.
Nag reply naman ako agad kay Carl.
To: Carl
Thank you Carl. Kita na lang tayo bukas. Sige tulog na ako. Good night :)))
Sending...
Sending...
Sending...
Sending...
Sending...
MESSAGE SENDING FAILED
WAAAAH! WALA NGA PALA AKONG LOAD. SHUNGA KA TALAGA MITCHIE!
Bat na kasi hindi ako nakapagpaload kanina eh. Hindi ko tuloy naka text si Carl. Di bale tomorrow is another day! Haha.