MITCHIE'S POV
*yaaaawn*
Good morning saaaa inyoooo! ^____^
Sarap ng tulog ko ah! Good vibes lang. Anong oras na ba?
Pagtingin ko sa orasan ko...
8AM na! Sunday ngayon kaya magsisimba ako. Naku sana makahabol pa ako.
Bumaba ako agad para maligo. Nakita ko si Sari na nakabihis na. Napag-usapan kasi namin na magsisimba kami.
"Gising ka na pala Mitchie. Aakyat na sana ako para gisingin ka." Matamlay na sagot niya
"Hindi pa ba tayo late sa misa?" Tanong ko.
"Hindi pa. 9AM pa naman yung misa kaya ok lang."
Ang tamlay ng boses ni Sari. Ano kayang nangyari kagabi? Tinurn down niya kaya si Carl? Pagkatapos nilang mag-usap ni Carl hindi ko na siya makausap eh. Kagabi pa siya matamlay. Ayoko naman siya tanungin baka ayaw niya pag-usapan. Si Carl na lang ang tatanungin ko.
Naligo na ako at nagbihis. Before 9AM nakarating na kami sa chapel. Walking distance lang kasi yung chapel dito kaya sakto lang ang dating namin.
Nagdasal ako.
'Lord sana po mahuli na yung mga humahabol sa akin at yung pumatay dun sa lalaki. Wag niyo akong pababayaan...'
After ng misa umuwi na rin kami agad ni Sari. Bumili kami ng almusal. Konti lang yung kinain niya.
"Sari may problema ba kayo ni Carl? Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako."Sabi ko.
Nginitian niya lang ako tapos umakyat na siya sa kwarto niya.
Kasalanan ko yata to. Dapat sinabi ko na agad kay Carl na wala pang balak mag boyfriend si Sari.
Alam ko naman yung feeling eh. Parehas kami ni Sari bawal mag boyfriend eh. Marami na rin akong nabusted na guys before. Ang bilin kasi ni mama...
'Oh Michelle, anak. Bawal muna mag boyfriend ha. Gusto ko magtapos ka muna ng pag-aaral. Ayoko na makakita ng mga lalaking uhugin at may gatas pa sa labi. Yung mga manliligaw mo hindi yata marunong maglaba ng underwear nila.'
So gross!
Yan si Mama. Medyo straight forward magsalita kahit medyo off yung pinag-uusapan.
BAWAL AKO MAG BOYFRIEND.
Simula nung nag abroad sila ni Papa nun high school ako mas naging mahigpit sila. Lalo na sa pakikipag boyfriend. May curfew din ako lagi. Only girl eh. Buti nga ngayong college hindi na masyado pero nandiyan naman si kuya ko eh.
Lagi kong iniisip kung ano kaya yung feeling ng may boyfriend.
Kasi parang masaya eh. Lagi kang may katext at kausap, may humahatid sundo sayo sa school, kasama mo kumain, holding hands palagi, kasama mo mag celebrate ng mga special occasions.
Alam ko maraming girls yung nasa sitwasyon namin ni Sari. Very sheltered at may super protective na parents. Yung iba nga sinisikreto nila sa parents nila na may boyfriend sila eh. Pero ayoko naman ng ganun. Gusto ko legal kami if ever man.
Ano kayang feeling ng inlove?
Kinuha ko yung gitara ko saka pumunta sa kwarto ni Sari. Nakahiga lang siya. Halatang mong malungkot.
"Sari gusto mo kantahan kita?"
"Talaga Mitchie? Sige ba. Hindi pa kita naririnig kumanta eh." Medyo nakangiti na siya ngayon.