8: DIVA

24 4 0
                                    

MITCHIE'S POV

"Uhm... Muntik na akong ma-r*pe kanina bestie." Walang ekspresyon kong sabi.

"What the??!! M-Muntik ka nang ma-rape!? Sinong may gawa nun sayo? Tara upakan natin!" Bigla siyang napatayo. Nagtatalsikan pa yung pagkain habang sumisigaw sya. Eeww. Just as I thought. She's a one big protective bestfriend. I'm touched.

"Easy ka lang bestie! Kailangan bumubuga ng pagkain habang nagsasalita? Kadiri ka oh." Sabi ko habang tinatanggal ang mga kanin na ibinuga nya galing sa bibig nya. Tsk. Gross.

"Ay sorry Bestie na carried away lang ako. Hehe. Eh sino bang hindi eh muntik ka ng ma-rape. Paano nangyari yun? Saka bakit muntik lang bakit hindi natuloy?"

Binatukan ko siya. "Araaay! Bakit mo ko binatukan?!" Nagtatanong pa. "Loka makapagsalita ka parang gusto mo pang matuloy ah? May dalawang lalaki lang na nagkainteres sa akin. Alam mo naman itong Bestie mo kahit chararat na yung feslak eh pamatay talaga yung sexy body ko. In short, hipon — kain katawan, tapon ulo." Sabay naman kaming humalakhak dahil sa joke ko.

"Baliw ka talaga but I agree. Idagdag mo pa yung super ikli mong palda kanina. Hahaha. So, paano ka nakatakas?"

"Tinulungan ako ni Demi."

"Demi? Wait.. it sounds familiar."

"Kilala mo sya?"

"Wait.. Demi Lovato?"

"Hindi ah."

"Hm.. Demi Moore?"

"Hindi rin."

"Uhm. Lalaki ba ito?"

"Hindi."

"So, babae?"

"Oo."

"Nag-aaral sa school natin?

"Oo."

"Classmate ba natin?"

"Hindi."

"Ang hirap ah.. Tapos na ba two minutes? Hm.. Kilala ko ba ito?"

"Hindi."

"Leche! Eh hindi ko naman pala kilala bakit pinahulaan mo pa?!"

"Aba ewan ko sayo. Akala ko gusto mo mag Pinoy Henyo tayo eh. Hahaha."

"Err!!! So sino itong Demi na ito?

"Siya yung leader ng cheering squad ng Heart University. Siya Queen bee kaya takot lahat sa kanya. Hindi nga nakaubra sa kanya yung mga nambastos sa akin eh." Pag e-explain ko.

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon