14: SUNDATE PART 2

29 4 0
                                    

 

 

MITCHIE'S POV

 

Kelan pa niya ko naging babe?

Feeling ko nag-iinit yung mukha ko.

'Babe daw. Girlfriend niya yan? Chaka ah!'

 

'Baka chimay nya lang. Look at her face.'

 

'Eh babe daw eh. Mismatch. Baka ginayuma.'

 

 

Bigla namang humarap sa kanila si Zeus at inakbayan ako.

"Excuse me girls. Kung wala kayong sasabihing maganda pwede ba umalis na lang kayo. Let's go babe."

Saka kami umalis sa lugar na iyon.

Buti nga sa inyo mga mapanlait! Di hamak na mas maganda ako sa inyo noh! Bleeeh!

Nakaakbay pa rin si Zeus sa akin at bumulong sa tenga ko.

"Wag ka masyado kiligin diyan. Halata ka masyado eh."

"H-hoy! Hindi ah! Tanggalin mo nga yung kamay mo! Saka anong babe? Pauso ka ah."

Adik din to eh! May pa babe babe pang nalalaman.

"Haha. Wala napagtripan ko lang. Tara basketball tayo."

At naglaro kami ng basketball. Buti pa to kaya ko. Puro shooting lang naman eh. Nagpaligsahan pa kami sa paramihan ng shoot. Sa huli panalo siya. Haha. Grabe ang saya. Masarap naman pala kasama tong mokong na to. Mabait din pala kahit konti lang.

Dalawang oras din kaming naglaro. Nung magsawa na kami naisipan na naming umuwi.

"Ah Zeus sige uwi na ako maggagabi na eh."

"Ihahatid na kita. May dala akong car."

"Sure ka?"

"Bakit ba ang hilig mong magtanong? Umoo ka na lang."

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon