25: LOVE, LOVE, LOVE!

19 4 0
                                    

"A-Ano? Ano'ng sinabi mo, Zeus?"

Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Hindi naman masakit pero sakto lang para hindi ako basta makawala.

"Mahal kita, Michelle. Hindi ko alam kung paano at bakit. Nagising na lang ako na hinahanap kita, miss na miss kita. Mababaliw ako kapag naiisip kong mawawala ka."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Zeus ngayon. Never naman kasi ako nag-assume na mamahalin din niya ako.

"Zeus...baka naguguluhan ka lang. Siguro nakokonsensya ka lang sa nagawa mo. Paano si Trixie?"

"Wala na kami ni Trixie. Nung gabing nalaman ko ang lahat nakipaghiwalay na ako sa kanya. Oo, nasaktan ako dahil niloko niya ako. Pero hindi ko inaasahan na mawawala na lang 'yung nararamdaman ko sa kanya. Nabulag lang ako, Michelle. Hindi ko napansin na may nararadaman na pala ako sa'yo. Mahal kita at seryoso ako dun."

Kita ko sa mga mata niya na sincere siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko. Hindi ako sumagot.

Mas lumapit pa ang mukha niya. "Mahal mo pa ba ako?"

Mahal ko pa nga ba siya? Oo mahal ko siya. Mahal na mahal pero...

"Oo, Zeus mahal kita. Pero hindi mo ba nakikita? Panget ako. Hindi tayo bagay." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Oo nga pala..PANGET AKO.

Hindi kami bagay.

"Hindi ka panget, Michelle. Maganda ka sa panlabas lalo na sa panloob. Ang pagkakamamali ko lang ay nagpadala ako sa panlabas na kagandahan."

Naks. Nahiya naman ako.

"Hindi ko alam kung ano'ng iisipin ko, Zeus. Mahirap maniwala."

"Gusto mo ng pruweba?"

Medyo kumunot ang noo ko. Ano naman ang pruweba niya?

Hindi ako sumagot. Nagtitigan lang kami hanggang sa nilapit niya ang mukha niya naglapat ang aming mga labi. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala. Mahal ako ng taong mahal ko. Mahal ako ni Zeus at hinahalikan niya ako ngayon.

Humiwalay din siya sakin. Smack lang naman 'yung kiss pero grabe..first time ko'yun!

"Oh, ngayon naniniwala ka na?"

Nginitian ko lang siya. Kinikilig kasi ako eh.

"So...tayo na ba?" Nakita ko na ulit ang ngiti niyang nakakaloko. Ang ibig sabihin, okay na kame.

"Agad agad? Wala ka man lang balak manligaw?"

Pa-hard-to-get lang ang lola niyo haha

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon