24: ANG PAG-AMIN NI ZEUS ♥

26 4 0
                                    

"What?! Si Zeus ang nagligtas sa'yo dati sa gubat?!" Sigaw ni Lyka. Nandito sila ngayon ni Sari sa kwarto ko. Sinabi ko sa kanila ang nangyari sa bar. Pinagalitan nga ako ni bestie sa ginawa ko eh. Pinabalik niya na rin ang dati kong looks. Masyadon raw kasing delikado.

"Yun ang sabi niya," I said. "Pero ang alam ko kasi mga nangangaso 'yung nakakita sa'kin at nagdala sa ospital, eh. Kaya nagtataka ako kung bakit siya napunta dun."

Lumapit pa sa'kin si Sari na nakaupo sa kama ko. "How will you explain kung bakit niya alam 'yung mga nangyari? Hindi kaya. . . siya ang papatay sa'yo?"

Nagulat ako sa sinabi niya. "Of course, not! Matanda 'yung humahabol sa'kin Sari."

"Oh, I see..so ano'ng balak mo? Aamin ka ba sa kanya na si Mistery girl at ikaw ay iisa?" Si Lyka.

"Um...I don't know. Hindi ko talaga alam ang gagawin mga girls."

† † †

Dumating ang monday. First day ng second sem at balik na rin ako sa pagiging chaka. Halos lahat ng mga estudyante sa akin nakatingin. Kalat na kalat na sa school 'yung nangyari sa party. Sa totoo lang, nahihiya akong pumasok. Bukod sa gumawa ako ng eskena ng party, makikita ko ulit si Zeus. Syempre kaklase ko siya. Hindi pa kasi ako handang makita at makausap siya dahil sa mga nangyari at sa katotohanang umamin na ako sa kanya. Alam niya nang ang bestfriend niya ay may gusto sa kanya.

Kasama ko ngayon si Sari at Uge maglakad papunta sa canteen at doon daw kami magkikita ng barkada, including Zeus.

Gosh..kinakabahan ako!

 

Kumpleto na ang barkada—ang Heart Breakers, si Lyka, at si Demi. Kami na lang ang kulang. Napansin ko agad si Zeus na napansin ang pagdating namin. Nanghihina 'yung tuhod ko. Nakadagdag pa 'yung nalaman ko na ako pala 'yung hinahanap ni Zeus. Ako si mistery girl.

"Hi, Mitchie! Oh my God. I missed you!" Bati ni Demi. Nagbeso at nagyakap kami. Na-miss ko si idol! Haha

"Miss din kita, girl. Tama na ang pagtatago, okay?" Nagsiupo na kami. Nakapaikot kami sa isang round table at katabi ko sina Uge, Sari, at Lyka. Kaharap naman namin ang HB at si Demi—magkatapat kami ni Zeus. Umiiwas ako sa tingin niya dahil naiilang talaga ako.

"Kamusta kana, Mitchie? Tagal naming walang balita sa'yo ha." Sabi ni Carl. Nakonsensya naman ako. Nginitian ko na lang siya.

"Oo nga. Mga girls lang ang kinakausap mo. Pati yang si Eugene." Pagsang-ayon naman ni Basty tapos binaling ang tingin kay Uge.

"Magsabi ka nga ng totoo. Bakla ka ba, Eugene?" Nagulat kami sa tanong niya at napatingin kay Uge. Natatawa ako haha.

Mabilis namang sumagot si Eugene. "Asa ka tol, malakas lang talaga ang appeal ko kaya pinagkakatiwalaan ako ni Mitchie."

Ang tahimik na si Zeus biglang nagsalita. "Eugene,"

MISS TAKEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon