Naginat si Holie saka dahan dahan na iminulat ang mga mata hanggang sa maka-adjust sa liwanag ang paningin niya. Beautiful.
Napapangiting bumangon ito kaagad at kinuha ang kanyang suklay na nasa may tukador nakapatong. Magulo pa ang buhok nito na animo'y dinaanan ng hipohipu. Pero wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Ito ang kanyang daily routine paggising sa umaga ay ang magrock and roll sa harapan ng salamin. Kumakanta ito na parang wala ng bukas habang sinasabayan ng pagsasayaw ng walang direksyon. Sumisigaw na ito ng tuloyan kung saan nagliparan tuloy ang kalapating nasa bubong nilang mag-lola sa lakas ng boses niya.
Poor doves.
"Someday, oh someday oh yeah...oh...ohh...magiging singer din ako! That's a promise!" Kausap ang sarili sa harap ng salamin. Itinapon tapon pa niya sa ere ang kanyang suklay saka muling sinalo. Umikot-ikot pa ito na akala mo nasisiran ng bait. Saka tumambling tambling pa habang nakataas ang mga paa sa ere.
Hinihingal pero napakatamis ng mga ngiti sa labi nito pagkatapos. She feel refresh. And full of energy today.
" Apo! Hindi ka maaring maging singer kung hindi kahit elepanti mag-wewelga sa boses mong parang pinukpok na lata. Ikaw? no way." Ang lola Theressa niyang bigla nalang sumulpot mula sa may pintuan ng silid niya. She even shook her head many times. Heto na naman babarain ang mga pangarap niya na libre naman. Walang bayad ang pangarap pero laging tandaan walang saysay ang isang pangarap unleast you work for it. And achieve it well by determination inside of you.
"Si lola naman eh. Sa ganda kung ito magwewelga ang mga elepante? Baka ako na ang next SARAH G. ng Pilipinas, no? Or next Bb. Pilipinas Universe, tama po ba lola?" Confident nitong tanong saka kinuha ang tuwalya na nakasampay sa may likod ng pintuan ng kuwarto nito. Short na itim at puting t-shirt lang ang suot niya bilang pantulog. But her beauty, no doubt pang world class.
"Nagsasabi lang ako ng totoo apo. Ikaw talaga. Oh siya maligo ka na roon. Isa pa iyang buhok mong subrang haba na mukhang may kuto paputulan na natin. It's final. Hindi bagay sayo ang subrang habang buhok." Maarting sabi ng lola niya. Madalas daw ito sumali sa mga beauty contest noong araw at madalas manalo at doon din nito nakilala ang kanyang abuelo na isang judge daw sa nasabing contest na sinalihan ng lola niya. Isa itong councelor ng bayan nila noon. Isang magandang leader ngunit maagang kinuha ni Lord. Rest in peace lolo Canor.
" Uh...kuto na naman po. Nako wala no. Si lola talaga subrang arte. Sige na po maliligo na po ako. Para fresh ako mamaya na humarap sa Fb. At isa pa mahal na mahal ko po itong buhok ko na mahaba. I will never cut them. Never!" Anya sa abuela saka nag-marcha na papasok sa maliit na banyo.
Napapailing na lumabas ang matandang babae sa silid ng apo. Wala siyang panama sa galing nito makipagtalo sa kanya. She is genius. Debater of the year. Lalo na sa kalokohan. Bida ito doon.
Makalipas ang isang oras.
Pinupunasan ni Holie ang basa at mahabang buhok habang papalapit sa kanyang lola na tila problemado habang may hawak hawak ito na papel. Panay din ang buntong-hininga nito. Panigurong bills iyon ng kuryente at tubig kaya ganun ito kalungkot. Dahan dahan siyang lumapit dito at pabigla niyang ingaw sa lola niya ang nasabing mga papel. "Ikaw na bata ka! Amin na iyan!"
"Nope la, it hurts. Aray, aray ko po." Matapos tampalin ng matandang babae ang braso niya. Dahil maputi ang kanyang balat kaya kitang kita ang pamumula nun.
"Opo la, sabi ko nga po." Sumusuko niyang sabi sabay abot pabalik sa mga papel sa matanda. Napansin niya na seryoso na ito kaya hindi na siya maaring humirit pa ng kalokohan.
Umupo siya at hinarap ang agahan. Umuusok na sinangag, may hotdogs, kape, at kamatis na hiniwa pabilog na may kasamang green onion at sinabawan ng Datu Puti Toyo. May red eggs din sa tabi nun na apat at ang paborito niyang fried ampalaya with eggs. Sa madaling salita ay masarap ang agahan nilang mag-lola ngayong umaga. May mga garden of vegestables sila sa likod bahay kaya sagana sila sa gulay. May maliit din na fish pond doon ang matanda kaya nakakapag-ulam din sila madalas ng fish milk and hipon. Her favourites.
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRE's SUGAR BABY(Ryan Guzman&IsabelleDrummond-Completed)
RomanceWARNING!(R18+) HOLIE MARIZE SMITH a Billionaire Sugar Baby. She is beautiful, innocent but full of ambitious in life. Hanggang saan siya kayang dalhin ng kanyang matatayog na pangarap? Makakamit kaya niya ito sa pamamagitan ng kanyang nakakahalinan...