Galit na galit ang mga taong bayan habang sila ay papunta sa itaas na burol. marami sa kanila ay may mga dalang sulo upang maging gabay sa kanilang pupuntahan at gagamitin nila yun para sunogin ang pinapaniwalaan nilang peste sa kanilang bayan. ang mga kalalakihan naman ay may hawak na itak.
Gusto nilang patayin si Cecilia, ang kilalang mang-gagamot sa baryo ngunit nalaman ng mga taong bayan na isa pala syang mangkukulam.
"Maawa kayo, huwag nyo ako patayin! wala akong kasalanan sa inyo!" pagmamakaawa nya.
ngunit hindi sya pinakinggan ng mga ito. kilaladkad at tinali ang kanyang leeg gamit ang lubid.
"Patayin! Patayin! Patayin ang Salot, patayin!" sigaw ng mga taong bayan. walang sino man ang nagawang maawa sa naging kalagayan ni Cecilia. Wala silang awa na sinuntok at pinagsisipa ang babae. malaki ang paniwala nila na mangkukulam ito.
"Dyos ko, Maawa kayo.!" kitang kita niya kung paano sinunog ng mga taga baryo niya ang kanyang kubo... "HINDEEEEEH" malakas na sigaw nya ngunit tila hindi sya pinakinggan ng mga ito. Umiiyak na siya dahil sa mga dinanas nito. Higit pa sa mga suntok at sipa ang sakit na kanyang nararamdaman
"Patayin si Cecilia, Patayin!"
Binigti ang kaawa-awang babae. At para makasigurado ang mga ito ay sinunog pa nila ang katawan ni Cecilia. Pinapanuod nila ito habang unti-unti natutusta mula sa nagliliyab na apoy.
"Patay na si Cecilia..... Wala na ang Salot...... Mabuhay ang mga taga Camarines!......"
"Mabuhay!"
"Mabuhay ang Hasyenda Magdalena......!"
"Mabuhay!"
"Mabuhay ang mga Hernandez......"
"Mabuhay!"
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Historical FictionHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...